Chapter 30 Surprise
One week.
Isang linggo ang lumipas at masasabi kong nag enjoy rin ako sa Batangas.
Syempre, dalawang gabi lang ako pinakilig ng boyfriend ko. And yeah, yung 2nd day namin ay yun na yung huling tawag niya sakin.
Kung ano ang dahilan?
Wala.na akong pakialam doon. Tutal kinaya niya rin akong hindi tawagan o itext man lang.
Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama, dahil kararating lang galing sa Batangas.
Nag enjoy naman rin ako nung mga huling araw namin doon. Mas pinili ko kasing mag enjoy na lang kaysa mag emote emote doon.
Ang mga magaganda kasi, kahit minsan, kailangan rin mag emote.
Hindi ko rin alam kung ano na ang balita sa magaling kong boyfriend kung kailan ba uuwi o kung may balak pang umuwi.
Napatingala na lang ako sa kisame. Nakakalungkot isipin, yung magpapasko hindi kami okay ni Mom. Namimiss ko na sila.
Kung pwede ko lang sana ibalik yung past.
Aminado naman akong mas gusto ni Mom si Dave para sakin.
Bestfriend kasi ni Mom yung Mommy ni Dave.Yung time na naging kami.ni Dave, sobrang tuwang tuwa sila na hindi nila akalain na magkakagustuhan kami ni Dave. And syempre, isa ako sa pinakamasaya.
Kung hindi kaya siya nagloko? Masaya pa ba kami?
Perfect boyfriend ko na kasi ituring si Dave dati.
Agad akong bumangon at tsaka nag ayos. Medyo naboboring na ako dito sa condo ni Brent. Gusto kong maggala gala.
***
Umupo naman ako sa isang swing dito sa may Park habang pinagmamasdan yung sunset. Ang ganda ganda talaga ng sunset.
Dinuyan duyan ko yung sarili ko at nakapikit na dinama yung lamig ng hangin.
"Hey"
Halos manigas ako nung may bumulong sakin.
Pero nakaya kong lumingon at nawala yung pagkasabik ko.
Maling akala lang pala.
"Troy? Right?" Kunot noo kong tanong.
Ngumiti naman siya at nagnod tapos umupo sa katabing swing na sinasakyan ko.
"Hanggang mamayang gabi kaba dito? Balita ko sobrang ganda raw dito" rinig kong sabi niya.
"Bahala na. Napadpad ka rito" tanong ko sa kanya.
Well, feeling close naman siya kaya makikifeeling close na rin ako tsaka boring, walang makausap e.
"May nasagap kasi yung mga mata kong may Dyosa dito" sabi niya.
Natawa naman ako at napailing iling.
"Pero hindi ikaw yung Dyosa na sinasabi ko" sabi niya na nagpawala ng ngiti ko.
Hmp. Ang sarap sipain ng lalaking ito. -.-
"Tatawa na ba ako?" Mataray na tanong ko.
"Ikaw bahala. Nakakatawa ba?"
"Hindi. Nakakaiyak" pamimilosopo ko at inirapan siya.
"Edi umiyak ka." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...