Chapter 59 Reunion
Precious' POV
"Are you done?" Tanong ni Brent at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Yeah" sagot ko at inunahan na siya sa paglabas ng kwarto.
Agad akong dumiretso sa kitchen para kumuha ng mga red apple para baunin ko sa biyahe. Pati yung mayonnaise na nasa isang malaking jar.
"Anong gagawin mo dyan?" Takang tanong niya at kunot noong nakatingin sa dala ko.
"Malamang kakainin" mataray na sabi ko at inunahan na siya sa paglabas ng bahay.
Agad akong sumakay sa front seat ng biglang may narealize ako.
"Brent! Pa slice naman nito lahat" utos ko kay Brent na akmang sasakay na.
Napailing iling na lang siya at kinuha yung limang apple at bumalik sa loob ng bahay.
Napasandal naman ako habang hinihintay ang aking asawa. Napahikab naman ako at akmang pipikit nung dumating siya, dala ang isang bowl ng sliced apple.
"Here" sabi niya na agad ko rin kinuha.
Sumakay na rin siya at pinaandar yung kotse.
Binuksan ko naman yung mayonnaise na nasa jar at gamit ang dalawang tuhod ay inipit ko yung jar.Kunuha ako ng isang slice na apple at isinawsaw sa mayonnaise.
Ang sarap.
"Dahan dahan, mukhang mabibilaukan kana" paalala niya na saglit akong nilingon.
Hindi ko naman na siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang aking pagkain, nung magring bigla yung phone ko.
Agad yun kinuha ni Brent at iniabot sakin. Kinuha ko naman yun at tsaka sinagot yung call.
(Ate! Nasaan na raw kayo?) Agad na bungad sakin ni Mimi.
"On the way na" sagot ko habang ngumunguya pa rin.
(Nandito na kami nila Mom) sabi niya.
"Oh tapos?"
(Kayo na lang ni Kuya Brent yung wala)
"Excited? MAlapit na nga kami"
(Sige Ingat kayo) sabi niya at inend yung call.
"Bakit napatawag si Mimi?" Tanong ng aking asawa.
"Naroon na raw sila" simpleng turan ko at nagsimula na ulit kumain.
After kong kainin yung mansanas ay nakaramdam na talaga ako ng antok. Sumandal naman ako sa may gilid at pumikit hanggang sa makatulog.
**
"Wife"
Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko sa pagtawag sakin ni Brent. Inayos ko muna yung mga nagkalat kong buhok at tsaka siya hinarap.
"Ang hirap mong gisingin, hindi ka naman nagpupuyat pero bakit antok na antok ka pa rin" sabi niya na nagpasimangot sakin.
"Nandito na tayo, may kalat ka pa sa mukha mo" sabi niya at agad na pinahid yung thumb niya sa may gilid ng lips ko.
Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan ako tsaka inakay. Inayos ko muna yung floral dress ko at hinawakan niya ako sa waist at tinungo yung venue.
"Oh? Narito na pala kayong mag asawa" salubong samin ni Dad, yung daddy ni Brent.
Tinapik naman niya si Brent habang ako ay nagmano naman sa kanya.
Ito yung pinakaunang mansion ng mga Romualdez na minana ng ama ni Brent.
At dito gaganapin yung Reunion nila.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...