The Player's Target (26)

44 3 0
                                    

Chapter 26 jealous

Myel's Pov

"Hoy! May naghahanap sayo sa labas ng gate" sabi ni Brae.

"Sino daw?" Tanong ko.

"Malay ko!" Sabi niya at padabog na kinuha yung bag niya at lumabas ng room.

Problema ng supot na yun -_-

Bahala siya.

Kinuha ko naman yung bag ko at agad na nagpunta sa may gate ng GCU.

And I saw Thristan.

"Myel" nakangiting sabi niya at kinawayan ako.

Kumaway rin ako at nilapitan siya.

"Let's have a lunch?" Tanong niya habang pinapakita sakin yung bitbit niyang lunchbox.

"Sure. Sa Garden tayo kumain?" Tanong ko.

"Sige" sabi niya at agad akong sinundan papuntang garden. Pansin ko rin na lahat ng babae ay halos sa kanya tumitingin.

Well gwapo naman talaga si Thristan. Magaling pa sa basketball.

Umupo naman kami sa may bermuda grass habang napaplibutan kami ng mga ibat ibang klaseng mga bulaklak, at amoy na amoy ko ang mga sampaguita. Kaya gustong gusto ko dito e. Favorite ko ang sampaguita.

"Kamusta ka na pala?" Tanong niya habang nilalabas yung lunchbox.

"Ganda ng tanong ah. Kagabi lang tayo nagkita" nakangiting sabi ko.

Haha. I cant believe nga e.Si Thristan kasi pumunta sa bahay and nagpaalam siya kay Mama na liligawan raw ako.

Syempre. Hindi ko talaga ineexpect. Grabe, patay na patay talaga ako sa lalaking ito. Tapos malalaman kong may gusto rin siya. kyaaahhh!

"You okay? Galit kaba?" Biglang tanong niya.

"Huh? Hindi ah. Bat mo naitanong?" Naguguluhang tanong ko.

"Binubunot mo yung mga damo" sabi niya.

Napatingin naman ako sa mga kamay kong nakahawak sa mga damo.
Geez. Kinikilig nga kasi ako. Buti di niya nahalata. :)

"Buti pala pinayagan ako ni Tita na ligawan ka" sabi ni Thristan at iniabot sakin yung kutsara.

"E nakakabigla ka kasi e. Basta basta ka na lang pumunta, pati si Mama, ginulat mo" natatawang sabi ko.

"Si Brae nga pala?" Tanong niya.

"Ewan ko." Sagot ko.

Hindi ko rin maintidihan yun e. Aba. Tinawagan ko yun kagabi at sinabing manliligaw si Thristan, at yun pinatayan ako. Parang timang lang e.

"Nakita ko kanina yung Ex niyang si Rinzy, may bago na" sabi niya.

So? Kaya pala siguro badtrip na badtrip yung supot na yun? Yung malaman na may bago na yung Ex niya.

Martir din pala e.

"Yaan mo na sila, kain na lang tayo" nakangiting sabi ko at sabay subo ng pagkain.

---

Napadighay naman ako ng malakas na ikinatawa namin ni Thristan.

Grabe kahit nakakahiya idinaan ko na lang sa tawa.

"Nabusog kaba?" Tanong niya.

"Oo naman, ang sarap talaga nung luto" sagot ko at ngumiti.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon