The Player's Target (53)

22 2 0
                                    

Chapter 53 Others

Aya's Pov

(Aya! Bumalik ka rito sa opisina ko.) Sabi ni daddy.

"Dad. May ginagawa ako. Later na ako babalik" naiinis na sabi ko.

(Hija, maraming client yung naghihintay. Kailangan nila ng approval mo)

"Dad. Later na lang tayo mag usap" i said at tsaka ibinaba yung call.

Bakit ba kasi ako na lang ang nag aasikaso sa business namin e?

At tsaka hindi ko naman talaga ginusto yung mamahala sa isang kumpanya.

Naglakad lakad muna ako dito sa loob ng mall. Baka may something akong makita at magustuhan.

Halos manlaki yung mga mata ko nung makita ko si Lance sa escalator habang nakaakbay siya sa bago niyang babae.

Ang bilis naman niyang ipagpalit ako. Hindi ba siya marunong sumunod sa 3 month rule?

Noong last week nakipagbreak siya sakin. Kesyo raw na pasaway ako, immature at isip bata.

Minahal ko talaga siya. At hanggang ngayon ganun pa rin.

Iniwas ko na lang yung paningin ko sa kanila at dahan dahan ulit naglakad.
Parang kanina lang excited akong magshopping.

Hindi ko tuloy namalayan na may nabangga na ako. Natauhan lamang ako nung biglang may umiyak.

"DADDY!"

Nilingon ko yung batang nakaupo habang umiiyak. Dahan dahan ko siyang nilapitan at mukhang pamilyar ang batang ito.

"Daddy!!!!!" Sigaw niya.

"Ssh. Dont cry. Hahanapin natin ang daddy mo" sabi ko sa kanya at napatitig siya sa kagandahan ko.

Mukhang nagulat pa siya sa kagandahan ko at medyo napaatras pa siya.
Problema ng bulinggit na ito?

"DADDY!" umiiyak na sigaw niya at nagpapadyak na sa sahig.

Agad akong nataranta at pinilit siyang buhatin kahit napakabigat niya.

"Bitawan mo ako! Isusumbong kita kay Daddy!" Sabi niya at pilit na kumakawala sa akin.

Mamaya talaga ihahagis ko ang batang ito. -_-

"TRACY!"

Napalingon ako sa biglaang pagtawag ng isang lalaki.
At halos lumuwa yung mata ko kung sino yung lalaking palapit.

Oh No! Kaya pala pamilyar ang batang ito.

Siya yung batang itinulak ko sa park dahil sa gulat. Pero hindi ko sinasadya.

"Daddy!" Tawag niya at pilit na kumawala sakin na agad ko ring pinakawalan.

Halos kitang kita ko sa mukha niya yung sobrang pag alala niya sa kanyang anak.

"Ikaw na naman?!" Sabi niya nung mapatingin siya sakin.

Binuhat niya yung anak niya at tsaka siya humarap sakin.

"Nakita kong umiiyak yang anak mo kahahanap sayo. Next time kasi bantayan mo siya ng maigi" mataray na sabi ko na ikinabigla niya.

"Wala kang alam!" Sabi niya at sinamaan pa ako ng tingin.

"Well, opinyon lang naman" sagot ko na mukhang mas ikinainis niya.

"Wala kang pakialam" sabi niya.

Magsasalita pa sana ako nung biglang sumingit yung guard.

"Ah Mr. and Mrs. huwag na po kayong mag away, hindi po makadaan yung ibang mga tao" singit niya.

The Player's TargetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon