Chapter 16 Day 4
Myel's POV
"Besfie. Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan niya yung ice cubes sa baso niya gamit ang straw.
"Oo naman. Bakit hindi?" Sagot niya at ngumiti.
Isang ngiti na pilit.
Hindi ko na nga siya nakausap kahapon, tapos ngayon naging ganito siya.
Yung pagpunta niya dito na nakasuot ng shades. Paniguradong mugto ang mga mata niya. Tapos yung madalas na pagiging tahimik niya, at laging malalim ang iniisip.
May nangyari talaga kahapon. At hindi ko alam kung ano yun.
Hindi ako sanay kapag hindi siya nagsusungit."I have to go na. Kailangan ko na pumunta sa may field." Sabi niya at agad na binitbit yung hand bag niya at umalis.
Napapout naman ako at naglakad na rin papuntang field.
Kung saan gaganapin ang Dance competition.Ipinakilala naman yung mga judges dito. Isa na doon sila Dave at Precious.
"GO CAMPUS UNIVERSITY! ARE YOU READY?!" EMCEE.
Nagsigawan naman sila as a sign na ready na kaming mga audience.
Sayang dapat pala sumali ako. *pout*
***
Precious Pov
"Are you okay?" Bulong ni Dave. Hindi naman ako sumagot at nagfocus lang sa panonood ng sayaw.
Wala talaga ako sa mood na magsalita. Parang gusto kong sa bahay na lamang ako at magkulong sa kwarto.
***
"CONGRATULATIONS 3RD YEAR!!!"
Natauhan ako bigla sa lakas ng hiyawan nung in-announce yung panalo.Para akong ewan na nanonood pero hindi naiintindihan kung ano ang pinapanood.
Dahan dahan naman akong tumayo upang makaalis na. Wala talaga sa mood e.
"Well! Well! Well! I smell something fishy." Rinig kong sabi ni Aecel.
Hindi ko naman siya pinansin kundi nilagpasan lang siya.
Please. Not now. Wala talaga ako sa mood.
"Stop being rude." Sabi niya at marahas akong hinila sa braso paharap sa kanya.
"Stop wasting my time, girl." Seryosong sabi ko at marahas tinanggal yung pagkakahawak niya sakin.
Ngumiti naman siya ng pagkakaarte arte. At bigla niya akong sinampal.
"Well, you deserve it. Girl." Sabi niya at pangiti ngiting umalis.
Habang ako ay nakatulala lang habang nakahawak sa pisngi ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
Gustuhin ko mang gantihan yung babae na yun ay hindi ko na ginawa.
Pagkatalikod ko ay nakita ko si Brent sa di kalayuan, na seryosong nakatingin sakin.
Napatitig naman ako sa kanya nung dahan dahan siyang lumapit sakin."What happened?" Seryosong tanong niya.
Umiling lang ako at nilagpasan siya nung bigla niyang hinawakan yung braso ko at kinaladkad ako hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"Sakay" utos niya.
"Look Brent wala ako sa mood, gusto ko na makau---"
"SAKAY!" sigaw niya na ikinagulat ko. Wala naman akong nagawa kundi ang sumakay sa motor niya.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...