Chapter 29 Day 2Myel's POV
"Best"
Napalingon ako kay Precious at umupo bigla sa tabi ko.
Ako naman ay muling pinagmasdan ang dagat.
Sobrang sarap kasi sa pakiramdam na tumambay dito.
"Si Thristan?" Tanong niya.
"Sa hotel siya nagsstay e" sagot ko.
Gustuhin mang dito ko siya pagstay-in pero ayaw niya, dahil nahihiya raw siya, dahil puro raw GCU yung mga kasama niya at siya lang daw yung YCU student.
"Si Brae? Bakit ayaw mong pansinin?"
Napagbuntong hininga na lang ako at napafacepalm.
"Gusto niyang magpaka mature ako diba? Pwes eto yung way ko" seryosong sabi ko.
"You know what? Mas gusto ko yung dating ikaw. Yung dating Myel na sobrang kulit na sumisira ng araw ko, yung maraming alam na kalokohan at yung Myel na ipagtatanggol ako dahil bestfriend niya ako" mahabang sabi niya na nagpangiti sakin.
Kilala mang maarte si Precious, may side pa rin siyang ganito. Kahit lagi akong binabara, never niya akong iniwan sa pagiging maloko ko.
"Hayy. Hindi ko na alam ang gagawin" sabi ko at huminga ng malalim.
"Its simple. Umakto ka na naaayon sa totoong ugali mo, kung saan yung comfort zone mo. Huwag kang magpaapekto sa kanila. Tandaan mo, hindi sila ang kumokontrol sa buhay mo. Kundi ikaw"
"Salamat Besfie" sabi ko at agad siyang niyakap.
Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik. Pakiramdam ko gumaan talaga yung pakiramdam ko.
Syempre pinipilit kong magpakamature. Dahil gusto kong ipamukha sa Brae na yan na kaya ko ring magbago.
Pero tama nga si Besfie, kailangan ko ring magpakatotoo sa aking sarili, na hindi sila o siya ang kumokontrol sa buhay ko.
"Myel"
Sabay kaming napalingon ni Precious kay Brae na nakasuot ng jacket.
"Mag usap na kayo, hah?" Bulong ni Precious at sabay tap sa balikat ko at umalis.
Ako naman ay parang nanigas sa pwesto ko at pinilit na maging normal sa presensya niya, kahit na sobrang naaapektuhan ako.
Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko e.
"Im sorry" rinig kong sabi niya pero hindi ako sumasagot.
Wala ako sa mood.
"Sorry dahil hindi ko inisip yung feelings mo sa mga pinagsasabi ko. Sorry kung sinigawan kita" dagdag pa niya.
Dahan dahan naman akong tumayo at hinarap siya.
"Okay lang. At least sinabi mo yung nakikita mo sakin. Sorry din kung hindi mo nagugustuhan yung ugali ko. Dont worry, simula ngayon, magpapakamature na ako" sabi ko at pilit siyang nginitian tsaka siya nilayasan.
***
Precious POV
Napabuntong hininga naman ako habang hawak hawak yung phone ko. Umaasa na baka magtext or tumawag ang boyfriend ko.
Pero.hindi.
Masyado na yata akong napaparanoid. Ayoko rin namang panay text na lang ako sa kanya at baka masakal yun sakin.
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...