Chapter 28 Sembreak </3
Precious Point of view
Mabilis lumipas ang mga araw at dumating na yung araw na kinakatakot ko.
Ang sembreak.
Nakaalis na rin sila Brent kanina papuntang States. Sa totoo nga e, namimiss ko na agad siya.
Kasalukuyan kaming nakasakay ni Myel sa kotse ni Kuya Pat. Doon kasi kami sa Batangas magsesembreak.
Kasama ang buong section namin.pero hindi lahat ay kasama dahil may kanya kanya rin silang lakad with their families.
Pansin ko rin yung pananahimik ni Myel after kasi yung incident sa kanila ni Brae naging ganyan na yan.
"Nakakapanibago ka Myel" sabi ni Kuya at saglit nilingon si Myel sa likuran.
"Maganda pa rin ako, Kuya" sabi ni Myel at nag tongue out pa.
"Psh. Hahaha, hindi ka na maingay!" Natatawang sabi ni Kuya na mukhang inaasahan ang pagtawa ni Myel.
Pero hindi nangyari.
Nakakamiss rin ang pagiging loka loka ng babaeng ito.
Kinuha ko naman yung phone ko at ineexpect na magtext yung boyfriend ko, pero wala.
Busy lang siya Precious, busy lang.
Hindi ko nga malubos isipin na wala akong Romualdez na makakasama ngayong sembreak. Wala akong maaasar. Kainis.
Ewan ko.nga ba. Masyado ko na namang inaattach yung feelings ko sa kanya.
E yung goal ko lang naman, Mahalin lang siya.
At wag Sobrang mahalin.Kasi kapag hinayaan kong mahalin ng sobra si Brent.
Kapag nagkataon na masasaktan ako, sobra pa yung sakit na makukuha ko."Tssk. Balita ko marami raw sisiw sa States" rinig kong sabi ni Kuya.
"E ano naman ngayon? Marami naman dito sa atin" sagot ko.
"Aba malay mo, pagbalik ni Brent may sisiw na yun" sabi niya.
Tss.
" kuya, aso ang gusto ni Brent hindi sisiw" sabi ko na ikinatawa ni Kuya at pati ni Myel.
Anong nakakatawa?
"Psssh. Masyado kang literal, pangit. I mean, chicks na magaganda, baka may mabingwit ang boyfriend mo" natatawang sabi ni Kuya.
Hmf. Hinayupak talaga.
"Excuse me. Ako lang mahal ni Romualdez." Sabi ko at inirapan siya.
"Dont worry, humanda siya sakin kapag sinaktan ka niya" seryosong sabi ni Kuya.
Naalala ko tuloy yung time na nalaman niyang niloko ako ni Dave. Halos gawin niyang impyerno yung buhay ni Dave sa GCU, dahil na rin sa connection namin sa school.
Swerte ako dahil may ganito akong kuya.
"Kaya ikaw Myel, wag muna magboyfriend. Bata ka pa" natatawang sabi ni Kuya.
"Tse! Hindi na ako bata" sabi niya sabay pout.
Maganda naman talaga si Myel. Mukha siyang mature sa itsura niya. Problema lang, mas umiiral yung childish attitude niya.
Kinuha ko naman yung headphone ko at nakinig muna ng music.
***
"Oy! Panget. Gising!"
BINABASA MO ANG
The Player's Target
Teen FictionSi Precious Farrah Go ay isang Campus Queen sa paaralang pamilya niya ang nagmamay ari. Maganda, mataray, matalino, at masayahin. Halos lahat ng bagay at materyal ay nasa kanya na. Pero nung niloko siya ng kanyang boyfriend na si Dave Gabriel, ay ha...