52

8.9K 437 154
                                    

Silva was immediately sent to a hospital after the confrontation that happened between them and the traitor.

Nakabantay ang tatlo sa labas ng operating room habang hindi naman mahagilap si Canary pagkatapos maipasok si Silva sa ER.

Mahigit pitong oras na rin ang lumipas magmula noong sinimulang operahan si Silva sa loob kaya halos manginig na ang mga tauhan nito sa sobrang kaba na nararamdaman.

Who wouldn't be?

Na headshot lang naman ang boss nila.

Idagdag mo pa na sobrang gulo ng sitwasyon at ang tanging may kakayahang ibalik ang lahat sa tama ay kasalukuyang nakahandusay sa operating table.

Mabilis silang napatingin sa operating room nang bumukas ito at lumabas ang doctor at ang boss nilang walang malay sa stretcher habang nakabalot ang ulo nito ng gauze.

"He's already out of danger, for now. We still need to monitor him in the ICU. We've done our best to save him despite the 5 percent chance and here he is, a survivor. The rest is up to him. But, I'll have to warn you that there's a high chance for a complete amnesia or a selective amnesia incase he woke up. We'll see about that. I'll head first," mahabang paliwanag ng doctor bago nagpaalam na umalis.

Sinundan lang nila ng tingin ang stretcher ng boss nila papasok sa ICU pagkatapos ay tumayo sa labas nito.

Napaupo ang kambal sa sahig at isinandal ng mga ito ang kanilang likod sa pader pagkatapos ay magkasabay na yumuko. Habang si Mikhail naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.

Pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan ngunit hindi sumagi sa kanila ang salitang paki.

"So...what now? The moment this news gets out, everyone will be feasting and will do everything to get a hold of him and kill him on the spot," pagbasag ni Mikhail sa katahimikan habang nakatitig kay Silva na inaasikaso ng mga residents.

They all fell into a silence and the atmosphere became so cold.

"End everyone who dares to," saad ni Logan habang nakatulala sa sahig.

Lumipas ang ilang minutong katahimikan hanggang sa tumunog ang cellphone ni Mikhail at umalis ito upang sagutin ang tawag.

Nanatili pa ring nakaupo ang dalawa hanggang sa may naalala si Logan. Kinilabit niya ang kambal at nagtanong.

"Where is she?"

Landon frowned and look at the hallway but there was no sign of Canary.

They both stood up and looked at each other before dialing Canary's number.

Ilang segundo pa itong nag ring bago sumagot ang nasa kabilang linya. Pero bago paman sila makapagsalita ay inunahan na sila nito.

"Look after him for me, I'll be back 3 days from now. Everything will fall back into place so just hang in there," she said before ending the call.

The twins didn't know why but the moment Canary assured them that everything's going back to it's place, they both sighed in relief at the same time.

Magmula noong nakita nila kung paano kumilos ang babae at ang mga kaalaman nito tungkol sa organisasyon nila, nag iba na ang tingin nila dito.

The impression of Canary in their mind as a soft and innocent one completely changed their views in life.

Lalong lalo na nang malaman nilang alam nito ang code ng organisasyon. Idagdag mo pa ang gulat sa mukha ng boss nila na hindi rin nito inaasahan na may kaalaman ang babae sa pinakaimportang system na nasa kamay nila .

Villainess No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon