54

8.6K 379 213
                                    

"How is he?" Tanong ni Canary sa tauhan na isang doctor.

Nasa sa isang building sila ngayon na pagmamay ari ni Canary. It's a headquarters that has lesser power than the Incognitus.

It is the cover of the group itself.

"He's out of danger. The wounds reopened because everything was pressed. Just make sure that he will not stress himself especially that he has selective amnesia. I can only advice not to stress him for fear that it will worsen the condition of his body and his head,"    saad ng doctor habang iniiwasan ang pagsalubong ng tingin ni Canary.

Ganun rin ang ginagawa ng tatlong kasama nila ngayon dahil sa napakabigat na atmospera.

The surrounding's atmosphere was very heavy and Canary herself was emitting some cold and dangerous aura during Silva's examination.

Hindi tuloy alam ng tatlo kung ano ang iisipin.

Usually, babae ang nasa ganitong sitwasyon kung saan ine-examine ng doctor at lalaki ang nag hihintay ng resulta kung underworld ang pag uusapan. Very few and it actually has low possibilities to encounter this kind of situation.

Pati tuloy ang doctor ay curious na curious sa sitwasyon nila.

"You can go," said Canary.

Mabilis namang lumabas ng kwarto ang doctor at naiwan silang tatlo na nakatingin sa lalaking ngayo'y nakahiga sa kama.

Ilang segundo pa ay minabuti ng tatlo na lumabas at iwan ang dalawa upang makapag usap ng masinsinan kahit may amnesia ang isa. Naisip ng tatlo na ipagdadasal nalang nila ang boss kung sakaling ipinagpatuloy nito ang pagkakaroon ng amnesia.

Ika nga nila 'bahala ka sa buhay mo'.

"...Where are we?"

It didn't take long enough for Silva to wake up.

Nang iminulat niya ang mga mata ay unang sumalubong sa kanya ang mukha ng babae na hindi niya pa alam kung sino ito.

"You're in my territory," sagot ni Canary sa tanong ng lalaki.

Napakunot naman ang noo ni Silva nang marinig ito. But then, he remembered the last thing that happened before he lost his consciousness.

He exuded a dangerous aura before questioning the woman in front of him.

"What did you do to me? Who are you?"   Tanong niya dito habang hindi inaalis ang masamang tingin sa babae.

"...I'm your mother."

Hindi pinansin ni Canary ang pagkagulat ni Silva at ang pagkabasag ng baso sa sahig na hawak hawak ni Mikhail papasok sana ng kwarto upang ibigay kay Canary.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero naging errand boy siya ng kambal.

Paiinumin na sana niya ng tubig si Canary upang kahit papano ay kumalma ngunit hindi niya inaasahan ang maririnig pagkapasok palang sa kwarto.

"I-I'll head outside. Maiwan ko m-muna kayo!" Nagmamadali niyang pagpapaalam habang hindi mawala wala ang pagkagulat at kabang nararamdaman.

Fuck! That woman is too dangerous! How did she come up with that lie and said it with a straight face.

Naiwan naman ang dalawa na hindi pa rin nagsasalita.

Si Silva na hindi makapaniwala sa narinig at si Canary na walang kaexpre-expression ang mukha.

Hindi tuloy alam ni Silva kung nagbibiro ba ang babae o nagsasabi ng totoo.

"Are you f-cking with me?" Nanggagalaiting tanong niya sa babae na sumagot lang sa pamamagitan ng pagkibit ng balikat.

Villainess No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon