57

8.7K 455 243
                                    

Obviously, halos sumabog na sa galit si Reed sa sunod sunod na report ng kanyang mga tauhan.

Habang nakikipagpalitan ng putok ng baril sa grupo nila Mikhail ay naabutan niya si Logan na hawak hawak si Yuri na sinusubukang magpumiglas upang makatakas sa kamay ni Logan.

"Logan! Release him at once! "   Sigaw niya mula sa kabilang dulo habang sinesenyasan ang kasama na kumalma.

"Sinong taong matino ang hahayaan ang kalaban na pakawalan at ibalik sa kasama nito? Ito ba ang naging epekto ng pag traydor mo sa amin ha, Reed? Bobo lang?"   Balik naman ni Logan sa dating kasama at kaibigan nito.

Sinubukang hilahin ni Logan si Yuri papaatras ngunit napatigil nang makita ang mga kalaban na papalapit sa kanila nang lingunin niya ang mga ito.

"Akala mo ba hahayaang kitang kawawain ang kasama ko? Now, hand him over. 'Else, I will not hesitate to put you through hell the moment you lay a finger on him."

Hindi pinansin ni Logan ang sinabi ng dating kaibigan bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad paatras.

Kasulukuyan silang nasa hallway ngayon kaya wala siyang matatakbuhan.

"You're trapped, you fucker!"   Ani ni Reed sa lalaki ngunit ngumisi lang ito na siyang nagpakunot sa kanyang noo.

Hinigpitan ni Logan ang pagkakahawak kay Yuri habang nagsasalita sa earpiece na nakakabit sa kanya.

"NO! You can't do this! LOGAN!"   Sambit ni Landon mula sa kabilang linya ngunit binalewala ito ng kapatid.

"Hey twin, do me a favor will you? You need to deactivate my earpiece after I'm done talking so they can't trace everyone's location. This will probably be my last words. Good luck!"

Pagkatapos niyang banggitin ang lahat ng ito ay malakas niyang itinulak si Yuri patungo sa kinatatayuan ni Reed pagkatapos ay mabilis na tumakbo upang tumakas habang pinagbabaril ang mga nakaharang sa kanyang daraanan.

However, one man couldn't compare to a dozen of men standing in your that's why in the end, he was caught with no way out.

Lumapit si Reed kay Logan pagkatapos ay hinila ang buhok nito at sinikmuraan.

"F-cking shit! Hindi ba't sinabi kong malilintikan ka sa akin kapag nasaktan si Yuri? At talagang may balak ka pang tumakas sa lagay na'yon ha."

Logan just glared at him and spit on his face na nagpatawa kay Reed ng malakas.

"Yeah, do that sh-t. Tutal huling araw mo na naman ito, bakit hindi mo nalang lubus lubusin," saad ni Reed habang nakangisi kay Logan.

Itinulak niya ito sa mga tauhan at nagsalita.

"Dalhin niyo 'yan sa control room. Siya ang ipapalit natin sa hunghang na sinagip nila."

Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Reed habang siya naman ay binuhat si Yuri na nawalan ng malay pagkatapos ay naglakad patungo sa ibang direksyon.

Nang makarating ay sumalubong sa kanya ang kapatid na nililinis ang baril.

"What's up, kuya? How's he?"   Tanong nito kay Reed na inihiga si Yuri sa kaharap na sofa nang kinauupuan niya.

"We caught a new one to replace Troy. Siya ang gagamitin natin upang palabasin sa lungga nila ang kambal nito at si Mikhail,"   sambit ni Reed at naupo sa tabi ng kapatid.

He pulled his younger brother towards him and put him on his lap.

"You don't need to do anything. I want you to stay put and wait for my orders. Ibinilin sa akin lahat ni boss kaya ako ang masusunod, huwag kang mag alala. Once we got hold of those rats, sila ang gagawin nating tulay upang pabagsakin si Silva," saad niya habang hinahaplos ang likod nang nag iisang kadugo niya.

Villainess No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon