45

9.4K 414 38
                                    

Pinapanood lang ni Canary sila Shekinah na nag uusap sa loob ng coffee shop. Bago umalis si Shekinah at pumuntang ibang bansa ay nag paalam ito na sa Las Vegas ang punta.

Clearly, she's not in Las Vegas but in Frankfurt, Germany. One of the biggest city and has the highest crime rate in the country.

Sitting and watching outside, kitang kita nito kung paano magkalabuan ang limang tao.

They were arguing non-stop kaya tumayo na si Canary upang lapitan ito. Suddenly, habang naglalakad papunta sa coffee shop, tumingin kay Canary ang isa sa mga lalaki at tinuro siya nito habang nakapaskil ang ngisi sa mga labi ng lalaki.

Mabilis namang napalingon si Shekinah sa itinuturo ng lalaki at nang makita siya ng babae, biglang nanlaki ang mga mata nito at tumakbo papalabas sa kinaroroonan ni Canary ngunit bago pa man siya makarating ay bigla nalang silang dalawa na nawalan ng malay nang may sabay na humampas sa kanilang mga batok.

"Who's the other woman?"

"I don't know. She just came out of nowhere so I had no choice but to bring her with us. I think she's with our target rather, she's a friend. "

"How am I supposed to explain this? Nevermind, leave it be. Try to look at the woman's belongings if there's anything that may identify her."

"I got it."

Kanina pa gising si Canary at nakikinig sa usapan ng dalawang magkaibang boses. Hindi niya muna iminulat ang mga mata at hinayaan ang mga taong nag abduct sa kanila na isiping wala pa siyang malay.

Ilang minuto pang pananatili ng dalawa ay lumabas at umalis rin kaagad ang mga ito dahilan upang mapamulat siya ng mga mata.

As soon as she opened her eyes, sumalubong sa kanya ang isang napakadilim na kwarto. Tanging upuan lang nilang dalawa ni Shekinah ang nasa gitna kung saan may nakasabit na ilaw sa ibabaw ng ulo nila.

Canary heard grunts and groans dahilan upang mapatingin siya sa katabi na unti unting bumabalik ang malay.

The moment their eyes met, nanlaki ang mata ni Shekinah nang mapagtanto na ang kaibigan ang kasama niya ngayon.

"C-Canary? Why are you here?! Wait, why are you tied up?!"   Sigaw nito sa kanya, gulat na gulat dahil sa nakikita.

Hindi naman maiwasang mapaikot ng mata ni Canary dahil sa tanong ng kaibigan. She first glanced at Shekinah's body before she answered the question.

"Why don't you also ask yourself? You told me na sa Las Vegas ang punta mo. If you still didn't notice, you're in Germany, and incase  if you ever forget, you're the one who was talking to those people,"   sagot niya naman kay Shekinah na gulat na gulat sa nangyayari.

Indeed, she recognized those people.

First, those people were her escorts here in Germany. Second, she was in Las Vegas last two days ago, well not until her uncle sent her to Germany. Third, dinala siya ng isa sa mga babae na kasama sa isang coffee shop at pinilit siya ng mga ito na manatili muna sa loob dahil may hinihintay pa sila kahit atat na atat na s'yang umalis sa lugar dahil walang ka tao-tao. In the end, nakahanda na pala ang lahat upang i-abduct siya.

"T-They were sent by my uncle to be my escorts. That son of a bitch! Planado na pala ng matandang 'yun na ipapatay ako. At talagang sa lugar pa kung saan mahirap akong ipahanap. Even using my dead brother as an excuse,"    galit na saad ni Shekinah sa hangin.

Isang gabi nang nilapitan siya ng matanda ay ang paghahatid nito ng balita na buhay pa ang kuya niya. At kasalukuyan nga itong nasa Germany.

Dahil naman sa pagkadesperada niya at sa malakas na kutob ay pumayag siyang mag isang pumunta ng Germany upang hanapin ang nakatatandang kapatid at masiguro na totoo ang balita. Hindi na niya sinabi sa pamilya ang dahilan nang pag alis dahil alam niyang mag aalala lang ang mga ito. Kaya kaagad siyang pumayag at lumipad papunta dito sa bansa.

Her uncle was the adopted son of her grandfather kaya hindi niya aakalaing siya ang tatargetin nito.

Nakatingin lang si Canary kay Shekinah na nagngingitngit sa galit. Oo at may alam siya tungkol sa bagay na ito pero wala siyang balik na sabihin ito sa kaibigan.

She will let fate work on it's own way, finding the subjects of it's entanglement without her help.

"We'll talk about this later. Humanap muna tayo ng paraan upang makaalis dito,"   saad ni Canary kay Shekinah pagkatapos ay inilibot ang paningin.

Pero bago pa man sila makapagsimula, sabay silang napatingin sa pinto nang marinig ang ingay na nagmumula sa labas hanggang sa may pabalibag na sumipa sa pintuan.

"De ja vu? Bakit parang nangyari na ata ito noon?" 

Nakakunot na saad ni Shekinah habang nakatingin sa taong madilim ang mukha na papalapit sa kanila ngayon.

Silva was striding with fast paces towards them with a grim expression.

Hula ni Canary na nahanap ng mga nag abduct sa kanila ang cellphone niya at tinignan dito kung sino ang pwedeng tawagan. Maybe for compensation or anything else pero ito na ata ang pinakamalaking pagkakamali nila.

To think na ang lalaki mismo ang nakatanggap ng tawag especially that it was damn possible dahil parehas na silang nasa iisang bansa kaya mabilis nang matatanggap ng lalaki ang tawag mula sa kanya.

One more thing, he's probably too confused why Canary is here in Germany.

Nang makalapit si Silva kay Canary ay kaagad na mabilis na natanggal nito ang pagkakatali sa kanya pagkatapos ay mabilis siyang binuhat.

Pinakanormal na ata ang magmukha siyang bata sa tuwing kaharap ang lalaki.

"I'm ok." Canary assured Silva while stroking his back.

She can see the dark circles underneath his eyes at mahahalata mong ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagod. He was even breathing heavily dahilan upang makaramdam si Canary ng awa sa lalaki.

"Calm yourself. Ok lang ako, you don't need to feel so pressed about this,"   pagpapakalma niya sa lalaki na dahan dahan namang kumalma.

Ilang minuto pa ang tinagal nang pagkakayakap nito sa kanya bago nito tinignan ang mukha niya at nagsalita.

"Why are you here? You shouldn't have come here, kitten. It's too dangerous." Silva said while dropping kisses on Canary's face.

"Hm...I know. That's why I'm here,"  sagot niya naman dito habang hindi inaalis ang palad sa likod ni Silva.

He was hugging her tightly.

"Uh...excuse me? Baka naman may balak pa kayong tulungan ako at tanggalin rin ang pagkakatali nito sa buong katawan ko?"   Pagsapaw ni Shekinah sa reunion ng dalawa.

Kanina pa kasi siya nanunuod sa kanila at mukhang nakalimutan na ng mga nito na nandito pa siya sa iisang silid kasama nila.

Sinubukan niyang manahimik pero mukhang walang balak ang dalawa na tulungan siya at tuluyan na ngang nawala sa paningin ng dalawa.

-

Please be aware of any grammatically incorrect and misspelled words.

Villainess No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon