Bölüm (二十八)

84 12 1
                                    

Nagtutupi ng damit si Pieris mula sa nakasampay na nilabhan niyang sariling mga damit. Alam niya na ring maglaba dahil may mga araw na tinutulungan niya si Jaslyn noon kapag tapos na siya sa mga takdang-aralin.

Panay ang pagsulyap ng Prinsesa sa pintuan inaabangan si Ernesto, hinahanda ang sarili. Tapos na lang siyang kumain ng mga de lata na ulam at kanin ngunit wala pa rin ang lalaki kahit alam niyang iyon ang oras ng uwi nito galing trabaho.

Hindi niya kinain ang mga itinabi natira sa binigay ni Xander sa kaniya dahil sa itinabi niya iyon kung sakaling hindi na siya makapuslit ng pagkain mula sa kusina. Inayos niya ang pagkakatabi niyon para hindi madaling mapanis.

Ilang oras na ang lumilipas ngunit wala pa rin ang lalaki, imbes na mag-alala ay pinagdadasal niya pa na sana huwag na itong umuwi hindi baleng mag-isa siya.

Nakatitig na ngayon si Pieris sa papel na kung saan naroon ang resulta sa exam niya. Walang emosyong makikita habang binabasa ang resulta saka napabuntong hininga animo'y bumagsak siya sa isang pagsusulit ngunit kabaligtaran iyon.

Tuwang-tuwa na ibinalita sa kaniya kanina ng guro ang tungkol sa results salungat sa reaksyon ng Prinsesa. Pumasa siya at isa lang ang mali sa buong items na sinagutan niya.

Natulala na siya ngayon sa kisame habang nakahiga sa couch. Wala na kase siyang ibang mahigaan, ayaw niya namang humiga sa mismong kwarto ni Ernesto at baka ano pa ang mangyare sa kaniya.

Kanina pa siya wala sa wisyo kahit ginagamot niya ang sarili niyang sugat at mga pasa. Hindi alam kung magiging masaya ba siya dahil sa naging resulta ng pagsusulit at magiging college na siya o manlulumo dahil sa hindi man lang naabutan ni Jaslyn ang pagiging pasado niya at makatungtong sa kolehiyo.

Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayang nakatulugan niya na ang pag-iisip sa pagod ng kaniyang katawan, napagod sa pagtitiis ng hapdi sa mga sugat habang ginagamot niya ng maayos upang hindi ma impeksyon.
.
.
.

Bigla na lang siyang napabalikwas ng bangon matapos makarinig ng kalabog sa kung saan. Naalipungatan.

"Putragis! Ah! Litsi! T angina ang mga 'yun!"

Natagpuan ni Pieris na nakasalampak sa sahig si Ernesto habang namimilipit sa sakit sa hindi malamang dahilan. Nanatili lang sa pwesto ang Prinsesa habang pinag-aaralan si Ernesto kung bakit parang hindi ito makalakad ng maayos.

Naghahabol ng hininga ang lalaki bago aksidenteng mabaling ang tingin sa Prinsesa na nakatingin rin sa kaniya.

Flashback

"MGA PUT ANGINA NIYO! A-ANONG KAILANGAN NIYO S-SA AKIN! S-SINO BA KAYO!?——————AH!"

Sa isang malakas na hampas na sabay na tumama sa kaniyang tiyan at likod, naging dahilan iyon upang mapadapa siya sa lupa. Nanginginig ang kaniyang katawan dahil kanina pa siya binubugbog ng mga ito.

Napaangat siya ng tingin sa lalaking namumuno nang hilain ang kaniyang buhok.

"Wala kang karapatang magtanong... Matuto kang manahimik" bulong nito sa kaniya bago ito malakas na sinuntok sa t'yan.

Napadura na ng dugo si Ernesto, may nasama pang isang pirasong ngipin na natanggal sa sobrang pagkakasapak sa kaniya kanina dahil sa nanlalaban ito kahit siya ay pinagtutulungan.

Pinaluhod nila si Ernesto upang magpantay sa lalaking nasa harap niya.

"Jaslyn Zane Corpuz... kay gandang ngalan" brusko ang boses nito na humagikhik ng tawa, para bang may naalala.

"ngunit hindi bagay sa demonyong katulad mo—————" baling niya kay Ernesto.

"E ANO BANG PINAGKAIBA MO SA AKIN SA GINAGAWA MONG ITO!? NI HINDI KITA KILALA!" bulyaw ni Ernesto, pilit kumakawala sa pagkakahawak sa kaniya ngunit muli siyang hinampas sa likuran.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon