Bölüm (十五)

104 16 2
                                    

Sabay na naupo sina Cindy at Pieris sa iisang lamesa, magkaharapan silang naka upo. Nagkatinginan, naiisip na yari silang pareho kay Jaslyn.

Pinanood nilang nilapag ni Jaslyn ang mga plato sa kanilang harap. Napapalingon sa gawi nila ang ibang mga tao dito. Nag-umpisa ang mga bulungan. Napalingon rin si Ernesto sa gawi nila habang abala sa ginagawa.

"Ngayon niyo sabihin kung bakit naroon kayong dalawa nanatili sa hardin?" seryosong pagtatanong ni Jaslyn matapos maupo sa isang silya sa may bandang gilid nilang dalawa.

Muling nagkatinginan ang dalawang bata bago sabay na nag-iwas ng tingin. Inaantay kung sinong magpapaliwanag. Napabuga na lamang ng hininga si Jaslyn nang nanatili ring walang imik ang dalawa.

"Kumain na kayong dalawa, bago pa magkaubusan ng pagkain dito... Diyan lang muna kayo at aking ipagpapatuloy ang inaasikaso kanina, nakung mga bata kayo oo.." nangungun-sumeng ani Jaslyn bago tumayo at bumalik sa kusina.

Kahit naroon na siya ay binabantayan niya pa rin silang dalawa. Inaantay kung kailan nila titikman ang luto nitong monggo ni Jaslyn.

Marahang tinikman nila Pieris ang mga pagkaing nakahand na para sa kanila, parehong walang kibuan, iniisip kung kailan sila pagagalitan ng madre ngunit hindi nito nagawang magalit sa dalawa. Napailing na lamang si Jaslyn matapos panoorin sila Cindy.

Nilapitan siya ni Ernesto at nagkunwaring aksidente niyang nasagi si Jaslyn para lang makuha ang atensyon ng madre, naging dahilan iyon para lingunin siya nito.

"Ay sorry" saad ni Ernesto, nginitian siya ni Jaslyn ng marahan.

Tumikhim si Ernesto "Kumain ka na ba?" pasimpleng tanong nito kay Jaslyn.

"Hindi pa, mamaya pa kapag natapos nang kumain ang lahat ng mga bata" tugon nito habang abala sa ginagawang paghahalo sa mainit na sabaw.

"Ha? Bakit hindi ka muna kumain d'yan at ako na lang muna dito? Baka malipasan ka pa ng gutom Jaslyn" ani Ernesto, may seryosong mukha. Natigilan siyang nilingon muli ni Jaslyn.

"Tsk, ayos lang ano ka ba, hindi pa naman ako gaanong gutom"

"Gaanong gutom? So gutom ka na nga?"

"Ay ang kulit, mamaya na lang nga" natatawang sabi ni Jaslyn, pinapaintindi si Ernesto na nakanguso ngayon.

"Kulit mo rin, kumain ka na baka maubusan ka pa ng ulam at kanin"

"Edi magluluto na lang ako ulit"

"Hays..." tinitigan ni Ernesto saglit ang madre bago napasuko sa kawalan nang ngitian siya mulini Jaslyn "ipagluluto na lang kita" pagbulontaryo niya kung saka-sakaling maubusan nga ng pagkain.

"Uy... ang sweet nemen.. kaya pala nagkalat ang mga langgam dito, aray! nakagat pa tuloy ako" pagpaparinig ng isang kusinera dito, umaktong kinakagat ng langgam.

Sabay na nalingon nila Jaslyn ang kusinera bago nagkatinginan silang dalawa at sabay rin na natawa, doon pa lang natigilan at napaisip si Jaslyn.

Naalala ang pangyayaring muntikan na siyang halikan ni Ernesto. Para sa kaniya ay makasalanan ito lalo na kung isa siyang madre.

"Oh bakit? May problema ba?" pagtatanong maya't-maya ni Ernesto nang napansing natulala saglit si Jaslyn, nahinto sa pag-aabot ng plato.

Natuptop ni Jaslyn ang kaniyang bibig bago pekeng umubo "ahm... w-wala naman... Bakit ka nga pala nandidito na naman? Wala ka bang pasok ngayon sa work?" pag-iiba ni Jaslyn.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon