Pinagmamasdan ni Perrie ang kan'yang malusog na maliit na anghel sa harap niya. Karga niya ito at pinapasuso niya si Pieris hanggang sa makatulog ito.Hindi man nahihirapan ang bagong nahirang na Reyna sa pag-aalaga sa kan'yang anak dahil sa hindi ito iyakin ay nahihirapan naman siyang alamin kung anong kailangan nito.
Kung ang normal na sanggol ay iiyak kung may kailangan o may masakit na nararamdaman, si Pieris naman ay kalmado lang palagi. Iwawagayway lang nito ang kamay kapag may kailangan siya sa Ina.
Iyon ang ipinagtaka ng buong sambayanan. Napakawirdu ng sanggol, kakaiba sa lahat. Naiisip ng mga manggagamot na baka may sakit ang Prinsesa pero walang may balak na magsalita sa mga doktor dahil kung magkakamali sila kung ano ang kalagayan ni Pieris ay baka parusa ang bagsak nila.
Wala sa sariling matamis na napapangiti si Perrie habang pinagmamasdan ang anak na natutulog matapos maingat na inilapag sa higaan nito.
Nalingon niya ang babaeng mga alalay niya sa pag-aalaga sa Prinsesa.
Lumipas ang ilang linggo, patuloy sa pag-aasikaso si Perrie sa kan'yang anak kahit nahahati ang oras niya sa kan'yang tungkulin at pagiging Ina.
Wala na siyang pakialam kung hindi sila pagtuunan ng pansin ni Baris. Napapansin ni Perrie na parang may kakaiba kay Pieris.
Hindi niya pa ito nakitang ngumiti. Natural lang ang mukha nito na parang hindi mababasa kung ano ang, gusto, walang emosyon sa madaling salita. Hindi rin ito maingay.
Maraming mga ordinaryong tao doon sa Imperyo ang nagbibigay ng mga mamahaling regalo sa Prinsesa. Mula damit, gamit at iba't-ibang klaseng laruan na galing pa sa iba't-ibang bansa.
Sa lumipas na tatlong buwan pa lang ay marunong ng magsalita ang Prinsesa ng malalalim na mga salita at tinutubuan na rin ng mga ngipin. Ikinagulat ng lahat ang mabilis na pagkatuto ng Prinsesa at unang beses nila itong narinig, napakatahimik kase nito na maski pag-iyak ay hindi ginagawa.
Pagtungtong ng isang taon ni Prinsesa Pieris, halos buong lugar ng Turkey ang nagdiwang sa kan'yang kaarawan maliban sa mga taong hindi kilala o kabilang sa Imperyo, pinapanatiling misteryoso ang pagkatao ng mga Erdoğan.
Bihasa na sa paglalakad ang Prinsesa Pieris na ikinamangha muli ng mga tao.
Ang lahat ay nagdiriwang sa kaarawan ng Prinsesa ngunit siya ay nasa kwarto lang, panay ang tanggi nito na sumama sa selebrasyon na magaganap. Dahil doon ay natigilan ang lahat nang sandaling pumasok ang Ama nito na si Baris.
Nagsiyukuan sila sa pagbigay ng galang, nahuli sa pagyuko ang Prinsesa. Sumiksik bigla ito sa Ina, parang hindi niya kilala ang lalaking ito kahit palagi siyang kinekwentuhan ni Perrie tungkol sa kan'yang Ama. Nasa iisang lugar lang sila pero malayo ang loob nila sa isa't-isa.
"Gitmemiz gerek." (We need to go) ma awtoridad at makapangyarihang saad ng Haring Baris.
Sa salitang iyon lang ay napilitang sumama ang Prinsesa para sa kan'yang kaarawan.
Kung ang ibang bata ay makakaramdam ng saya at pananabik, siya naman ang may ayaw sa kaarawan ngayon.
Hawak ni Perrie ang kamay ng anak upang alalayan ito pero mukhang ayaw nitong magpahawak, gusto lang na siya lang ang tutulong sa sarili niyang makalakad. Napabuntong hininga na lang ang ikalawang Reyna na si Perrie.
Hinayaan niya ito sa gusto niya pero sinasabayan pa rin ito sa mabagal at paunti-unting paglalakad, nakaalalay rin ang mga tagapaglingkod sa likod ng Prinsesa kung sakasakaling matumba.
"Herkes! Majestelerine saygılarımızı sunalım!" ( Everyone! Let us pay our respects to the majesties!) pag-anunsyo ng tagapagsalita mula sa labas ng palasyo.