Bölüm (一)

563 25 4
                                    

Nagtatalo sa usapan ngayon ang mga opisyales at iba pang nasa matataas na posisyon kabilang na dito ang Amang Hari, Inang Reyna, Emperador, Emperatris, at ang Prinsipeng Tagapagmana (crown prince) na si Evilyxidious Ceyhun Asmodeus Erdoğan.

Nakakaramdam ng sakit sa kalooban dahil sa salita niyang naririnig sa mga oras na iyon.

Nagpipigil ng emosyong sa kanyang hinanakit sapagkat hindi kaaya-aya iyon sa kanilang batas nila. Ang hindi makataong batas.

Mas masakit din ang marinig ng harap-harapan na siya ay isang hamak na anak sa labas lamang.

Tinuturing na s'yang malas o salot matapos malaman ang lahat ng katotohanan sa pagkatao ng Prinsipe. Ang isa rin sa mas masakit ay ngayon niya lang nalaman na s'ya ay isang anak sa labas o nabuo sa isang pagkakamali at sa mga oras na ito, balak na siyang itakwil sa mismong pamilyang kanyang kinabibilangan o kinalakihan.

"o sadece gayri meşru bir çocuk veliaht prens olarak görevden alınmalı!" (he's just an illegitimate child he should be removed from the position as crown prince!) ani ng isang opisyal sa seryoso at magalang pero may diin sa pananalita.

Nagpapatuloy ang pagdedebate habang nasa gitna si Evilyxidious at buong katawan na nakababa ang tingin at naka-upo sa mga kataas-taasan.

Kumabog sa bilis ang tibok ng puso niya ng marinig na maari s'yang matanggal sa kaniyang posisyon.

"O en büyüğü. Tahtı miras alan o olmalı" (He's the eldest. He should be the one who inherit the throne) pagdidepensa ng isang opisyal na pabor sa parte ng Prinsipe.

Kahit may punto ang sinabi ng isang opisyal ay hindi sapat iyon upang mapasawalang bisa ang pagtatanggal sa trono ng Prinsipe.

Nabawasan man ang hinanakit ay 'di parin maiwasang malungkot ng prinsipe dahil nakakarinig mismo siya ng masasakit na salita mula sa iba. Ang ibang taong inihaon niya mula sa kahirapan ay ibinababa na siya ngayon mismo.

"Gayri meşru çocuk olmak hukukumuza göre veba olarak kabul edilir" (Being an illegitimate child is considered a plague under our law) pagpoprotesta ng isang opisyal na nasa mababa lang ang boses dahil kawalan ng respeto sa nakatataas sa kanila ang magtaas ng boses.

"Bu doğru değil" (This is not right) dagdag pa nito.

"sonraki İmparator olamaz çünkü gayri meşru oğul Veliaht Prens olmaya devam ederse, bu yasalarımıza karşı bir küfürdür" (he cannot be the next Emperor because that is a blasphemy against our law if the illegitimate child will continues to be a Crown Prince) pagdidiin pa ng unang opisyal sa prinsipe na s'ya ay mapatanggal na sa pwesto. Minamaliit ang pagiging anak niya sa labas gayong hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali.

Nag-angat ng tingin ang Prinsipe sa kan'yang Ina na diretso lang ang tingin sa kawalan at wala man lang itong ka rea-reaksyon na pinapakita.

Sa kabilang banda ay kalmado lang na nakikinig ang emperor kahit puro sakit din ang naramdaman niya lalo na ng malamang may anak sa labas ang kan'yang asawa at nagahasa ito ng isang kalaban na Emperyo.

Sa kabilang banda ay napatingin ang prinsipeng tagapagmana sa kanyang tinuturing na bunsong kapatid na isa ring prinsipe ang tunay na anak ng Emperador at Emperatris, si Baris Rapae Prabhbir Bozkurt Erdoğan.

Wala pa itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari dahil mas bata ito sa kan'ya ng ilang taon, halos ka edad lang nito ang batang babaeng umaagaw palagi ng kaniyang atensyon at mula niyon ay hindi na maalis ni Evilyxidious ang babae sa kaniyang isip, hindi niya rin mawari na tumitibok ng napakabilis ang kan'yang puso na pasimple niya lang sinusulyapan sa isang kaharian na iyon.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon