Nagkatinginan kami ng masama nitong lalaki kahit ang totoo ay parang maiihi na ako sa isiping papatay ako para mabuhay.
Kasabay ng pagbagting ay ang pagkabog ng puso ko. Mas matangkad sa akin ng kaunti, may kalakihan rin ang kaniyang katawan. Mukhang maskulado ito kaya lugi ako ng kaunti dahil may muscles na rin naman ako pero hindi kalakihan sa bata kong katawan.
Gamit lang ang mga mata ay sinundan ko ng tingin ang paghakbang nito papunta sa gilid. Naglakad din ako sa kabilang banta. Nag-iikutan lang kami na parang mga t anga, paano ba naman bumalik lang din kami sa pwesto kanina habang inaantay kung sino ang unang aatake.
Bago mag-umpisa ang laban, inalam kong mabuti kung saan ang mga parte sa katawan ng tao ang maaaring agad na magpahina kapag natamaan. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito.
Nalingon ko ang timer apat na segundo pa lang ang nakalilipas pero dapat hindi ko inalis ang paningin ko dahil paglingon ko muli sa kalaban ay siyang pagsugod niya sa akin.
Bigla akong nataranta pero buti na lang ay mabilis akong nakailag pero ganon din kabilis siya nakalapit sa gawi ko. Sa sobrang pagkataranta ay muntikan pa akong madulas kakaatras hanggang sa hindi ko namalayang gamit ang tuhod ko ay tinamaan ko ang ibaba ng baba niya. Malapit sa leeg.
Ang lahat ay natigilan sa isang tira ko na iyon, ni hindi man lang ako pinagpawisan. Nalingon ko ang timer. Huminto ito sa limang segundo.
Maski ako ay nagulat dahil napalakas yata ang pagkakatuhod ko. Para bang umikot ang mundo niya sa paggewang niya sabay lumpasay. Pumipikit-pikit ang mga mata niya animo'y pinilit niyang huwag makatulog. Nag-umpisang magbilang ang referee.
One!
Two!
Three!
Matapos ng tatlong segundo ng pagbibilang ng lalaki ay nagbagting na agad ang bell.
Bakit hanggang tatlo lang?
Natulala lang ako sa kalaban kong pumikit na ang mga mata nito at prang nahirapan sa paghingi, ni hindi ko namalayang itinaasna ng referee ang isa kong braso bilang senyas ng pagkapanalo ko.
Natamaan ko yata ang pinakamahinang parte ng katawan nito kaya ang bilis natumba sa isang atake ko lang. Ganyan na ganyan si buldog no'ng matauhan ako, nakahilata at hinang-hina kahit gaano pa kalaki ang katawan.
Nagpalakpakan ang lahat. Hinanap ng mga mata ko ang pwesto nilang tatlo, hindi sila napapalakpak sa pagkabigla na magagawa ko iyon sa loob ng limang segundo. Nahigitan ko si Lito.
Binaba na ng lalaki ang braso ko at binati ako sabay sabing.
"Tapusin mo na" ngiti niya pa sa akin sabay turo ng kamay niya sa kalaban ko. Nagsitaasan ang mga balahibo ko.
Ni hindi pa nga ako mabalik sa ulirat ko dahil sa nagawa, ngayon naman ay mas ikinagugulat ko ang pinapagawa nito. Tumabi ang lalaki, binigyan ako ng espasyo para daw tapusin ko na ang lalaking hindi na makatayo.
Hindi ako kumilos. Nagdadalawang isip ako sa gagawin. Gamit lang ang mga mata ko ay nilingon ko muli ang gawi nilang tatlo, para bang nag-aabang.
Lunok. Pinangungunahan ako ng kaba, naalala ko ang mukha ni Mama. Paniguradong dismayado siya sa akin ngayon.
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Napatigalgal. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayuan matapos makarinig ng pagputok ng nakabibinging baril. Nanlamig ako sa pwesto ko nang masilayan ang wasak na mukha ng lalaki. Tumama ang bala sa mismong mukha nito. Naghiyawan na sa tuwa ang mga tao rito na may mga halang na kaluluwa at nagpalakpakan muli.