Warning!
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng karahasan at sekyual.
Paalala lang po, hindi ko naisulat ang maselang kabanatang ito hindi dahil sa trip ko o libangan lang, kundi iyon talaga ang naiisip kong daloy sa kwento.
Diretsahan na, may mangyayaring r*pe dito.
Sa mga biktima ng ganitong uri ng pangyayari, baka ma trigger pa ang trauma niyo kaya umalis ka na dito ngayon din, 'di baling mabawasan ang readers ko, iniisip ko lang ang kalagayan niyo. Tutal sinusulat ko lang ito para sa sarili ko at hindi para magpasikat sa ibang tao, break it down yow. (-_-)
Kung matigas ulo mo, sige go lang wala na akong magagawa d'yan.
_______________
Nagpupumiglas ng nagpupumiglas ngayon ang Reyna. Walang tigil na nanglalaban kahit matindi ang paghagulgol nito.
Dinala siya sa kaharian ng mga Liu.
Pabalikwas siyang kinulong sa isang madilim na silid. Kinandado siya sa kama. Nakahiga ang Reyna sa malambot na kutson, naka kadena ang palapulsuhan at mga paa sa higaan.
Siya na lang ang mag-isa doon. Walang tigil ang kaniyang pag-iyak habang sumasagi sa kaniyang isip kung ano ang tinamo ng mga Kamahalan lalo na ang huling habilin at pagkausap sa kaniya ng kaniyang asawa.
Nalulunod sa sariling luha si Perrie, iniisip niya rin at paulit-ulit na nagdadasal na sana ligtas ang kaniyang anak.
Nahinto sa paghikbi ang Reyna nang makarinig siya ng pagbukas ng pinto, narinig niya rin ang paglock nito. Nalingon niya ang bandang pintuan. Dumagundong sa kaba ang kaniyang pusa nang makita ang rebulto ng Prinsipe.
Hindi nakikita ang mukha nito sa dilim ng kwarto, tanging mumunting liwanag na nagmumula sa labas ang nagsisilbing ilaw sa kwartong iyon.
Bawat paisa-isang hakbang ng Prinsipe ay triple ang pagkabog ng puso ng Reyna. Pilit inilalayo ang sarili kahit hindi pa nakakalapit ang Prinsipe sa kaniya.
Nais niyang sumigaw ngunit pinangungunahan na siya ng takot sa kung anong pwedeng gawin sa kaniya nito. Gusto niya pang mabuhay upang hanapin si Pieris, gaya rin ng habilin sa kaniya ng Hari bago ito mawalan ng buhay.
Napapikit saglit ang Reyna ng biglang lumiwanag sa kaniyang gawi, sinindi ng Prinsipe ang lampshade. Inilapag nito sa mesa ang bitbit nitong mga kagamitan sa panggamot.
Nilingon siya ni Evilyxidious. Nagtama ang kanilang paningin, kaagad siyang umiwas ng tingin dito. Sa sandaling naupo sa tabi niya ang Prinsipe ay umurong pa siya papalayo kahit hindi siya makagalaw sa pagkakakadena sa kaniya.
Tinitigan siya ng Prinsipe. Pinagmasdan ang bawat parte ng kaniyang mukha, animo'y ganoon niya na miss si Perrie na hindi na kayang alisin ang paningin dito.
Nakaramdam ng pagkailang ang Reyna sa malagkit nitong pagtitig. Bumaba pa ang tingin nito sa kaniyang katawan.
"Güzelliğiniz bir tanrıça gibi kraliçem" (Your beauty is like a goddess, my Queen) pagpupuri ng Prinsipe kay Perrie habang hinihimas nito ng dahan-dahan ang pisngi ng Reyna.
Panay ang pag-iwas ni Perrie sa kaniyang mukha mula sa biglaang paghaplos sa kaniya ng Prinsipe. Umangat ang sulok ng labi ng Prinsipe nang makita kung gaano nandidiri sa kaniya ang Reyna sa kamay nitong ginamit sa pagpatay ng kaniyang sariling pamilya.
Unti-unting umangat ang pagdadausdos ang kamay nito papunta sa siko ng Reyna hanggang sa maabot nito ang mga kadenang nakagapos sa Reyna. Nakakuyom ang mga kamao ni Perrie, hinahanda ang sarili sa kung anong balak gawin sa kaniya ng Prinsipe ngunit natigilan ito nang marinig ang pagkasa ng nakakandado sa kaniya.