Dalawang taon ang lumipas.
Magmula noon ay nakasanayan ko na ang lugar na sinalihan kong laro. Naging normal na sa akin ang halos araw-araw na patayan lalo na ang amoy ng dugo. Para akong nakatira sa impyerno at ako ang demonyo na kayang maglabas-masok sa lugar na iyon, nagawa pang maglibot sa napakagulong mundong ito.
Ang kaibahan lang sa akin kumpara sa ibang mga kalahok ay hindi ko tinutuloy ang pagpatay, iniiwan ko silang humihinga pa pero sila na mismo ang tatapos doon dahil sa tumutunog na rin ang bell sa oras na may mapatumba ako.
Ngayon ko lang rin nalaman na ang kahulugan ng E. F. R. I. O. N. N ay naka shuffle na salitang INFERNO, iyon mismo ang pangalan ng lugar na iyon. Pag-aari iyon ni lord na isang mafia at may anak na kilala bilang Boss.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa sila nakikita lalo na ang Boss na iyon, gusto kong makita kung anong pinagkaiba niya sa akin gayong palagi akong kinukumpara nila Lito doon. Iyon nga lang ay pumapatay daw iyon.
Naging mas matinik na daw ako gumalaw at lumakas lalo ang pakiramdam sa taon na lumipas. Ngayon ay graduation na namin dito sa college. Silang tatlo ay nasa High school na.
12 years old na ako. Ako ang pinakabatang ga-graduate sa araw na ito. Hindi ko akalaing makakahigit pa ako sa dami ng matatalinong mag-aaral dito kase mahina ang tingin ko sa sarili.
Magna cum laude ako. Summa cum laude naman si kuya Daxton na siyang nangunguna. Ganon siya katalino. Balak pa ngang pumunta ni kuya Lito para siya daw magsabit ng mga medalya ko pero tinanggihan ko, iniingatan ko kase siya, kaya ayon nagtatampo ang loko.
Katatapos pa lang ng programang iyon at tapos na rin akong magspeech. Marami naman ang sinabi ko, sa sobrang dami ay hindi aabot ng dalawang sentence. Nagtataka rin ang lahat kung bakit daw wala akong kasamang parents na sasabit ng aking mga medalya, kaya ang mga teachers doon na lang ang nagtulong sa aking magsabit.
Hinubad ko muna ang mga medalya ko na halos matakpan na ang buong leeg ko. Ang init suotin. Nasa tabi lang akong pinagmamasdan ang mga kaklase ko na nagpipicture taking. Ang saya nila panoorin. Kasama na doon sila ate at kuya na nagkakatuwaan.
Nakapandekwatro akong upo ata nakakros ang mga braso. Nag-aantay lang kase ako kung kailan ako pwedeng palabasin ng guard.
Nga pala kailangan daw magmake up ng mga babae kanina kaya kahit anong tanggi ko ay nilagyan ni ate Betty ng kolorete ang mukha ko. Ayun tuloy naninibago ako sa aking mukha, para akong bakla. Buti na lang hindi makapal.
Pinasuot pa nila ako ng contact lenses sa mga mata na kulay bilugang itim. Natatakot pa nga ako kase baka mamaya hindi ito matanggal at pumasok sa mga mata ko, pero tinuruan naman ako ni ate Betty kung paano.
Sabi naman nila bagay ko, kahit naiinis ako sa mukha ko ngayon. May kung anu-ano pa silang pinagagawa sa buhok ko na bagong gupit lang para daw magmukha akong tao. Bakit alien ba ako? Ta nginang 'yan.
Hindi daw kase agad ako mapagkakamalang babae dahil sa gupit ko.'Yun ngang nasa dorm ako ay akala nila may nakapasok na lalaki sa kwarto kaya ganon na lang ang pagtititili nilang tatlo sa gulat.
Ganito kase ang gupit ko. (Nasa taas)
Nagpakulay rin ako ng kulay itim na buhok, kailangan kong magpanggap na lalaki sa lugar na iyon kung saka-sakaling maalis ang tela sa ulo ko.
Sabi ni Lito ay kailangan daw may marka ako bilang simbolo na kaanib sa lugar na iyon tulad na lang ng tattoo nila. Ang ginawa ko na lang ay nilagyan ko ang sarili ng henna na bracelet design, may letter Z sa may palapulsuhan kung saan matatakpan pansamantala ang mga peklat ko doon.