Paisa-isang hakbang papalayo sa mga kalaban. Magkahawak ang kanilang mga kamay. Pareho silang hindi makapag-isip ng maayos dahil sa kaba at takot na nararamdaman.
Hindi nasasagot ni Jaslyn ang tawag dahil sa naka silent ito kanina pa. Hindi rin ito mapapansin agad sa pagliwaliw nila kaganina.
May hawak na mga naghahabaan at nagtatalasang kumiminang na mga espada at ang ilan ay ang mga delikadong baril ang hawak. Ilam rin sa mga iyon ay may mga pana sa kanilang likuran. Pormal ang kanilang suot kanina at puro itim ngunit hinubad na nila ito dahil sa may sapaw silang suot na mga hanfu, may tela ring nakatakip sa kanilang mukha maliban sa Prinsipe.
Maingat na nalingon ni Pieris ang banda ni Jaslyn sa may gilid nito, may espasyo pa doon kaya hindi siya nag-atubiling hilain ang babae papunta sa gawing iyon sa pagtakas nila ngunit kaagad nagsisulputan ang panibangong tauhan ng Prinsipe.
Sunod namang nakakita ng daan si Jaslyn at papunta na sila sana doon ng harangan ulit sila.
"S-SINO BA K-KAYO!? A-ANO BANG KAILANGAN NIYO!?" nanginginig sa takot na pasigaw na tanong ni Jaslyn, humihigpit ang kapit kay Pieris na ayaw niya itong pakawalan.
Ngayon niya lamang napansin na magkapareho ang kulay ng mga mata ng Prinsipe at mata ni Pieris iyon nga lang ay magkaiba ang dating sa kanilang tingin. Wala sa sarili siyang nagpalitan ng tingin sa dalawa, pinagkukumpara ang mukha nila. Parehong hindi maitatangging maganda ang kanilang mga lahi sa dugo na dumadaloy sa Erdoğan na may lahing Liu at Wu.
Umangat ang sulok ng labi ng Prinsipe at akmang sasagutin si Jaslyn sa tanong nito nang...
Pok!
Bigla na lang ibinato ng Prinsesa ang suot nitong sapin sa paa na sumapol mismo sa mukha ng Prinsipe. Napapikit ng mariin si LIVE sa lakas ng pagkakabato sa kaniya, hindi iyon agad napansin sa bilis ng kilos ni Pieris. Hindi naka ilag.
Sabay nilang nasundan ng tingin ang pagbagsak ng sandal ng Prinsesa pati ang mga tauhan ni LIVE bago napalingon rin ng sabay sa gawi ni Pieris. Pagkalingon na pagkalingon nila ay siyang ikinalaho ng dalawa.
Nagmistula silang mga robot na sunod nilingon ang mga dahunan sa bandang gilid at napapalibutan ng mga nagtataasang puno. Doon dumaan ang dalawa, si Pieris mismo ang humihila ngayon kay Jaslyn. Nangunguna ang galing niya pagdating sa pagtakas.
"Yakalayın şunları!" (Get them!) sumisigaw ang kapangyarihan sa pag-uutos ni LIVE sa mga tauhan.
Parang kasing bilis ng kidlat na nagsikilos ang mga tauhan nito. Sinikap nila Jaslyn na bilisan pa ang pagtakbo kahit na naghahabol na rin ng hininga ang Prinsesa. Naninikip ang dibdib nito pero hindi sila huminto, ang tanging nasa isip niya lang ay huwag sanang madamay ang kaniyang tinuturing na Ina.
Pareho silang magdadasal na lamang habang abala sila sa pagtakbo at paghahanap ng daan papalabas sa mapuno nilang napuntahan. Halos wala na silang makita sa dilim ng kanilang dinadaanan, tanging pagdaan lang ng kidlat ang nagsisilbi nilang ilaw.
Bawat kulog na maririnig ng Prinsesa ay siyang kinasasakit ng kaniyang tainga at ang pagsagi ng ala-ala sa huling sandali ng kaniyang mga magulang.
"a-anak, sino ba ang mga iy-yon!? Bakit nila tayo h-hinahabol? Kilala mo ba ang mga iyon!?" puro panibagong tanong na lang ang pumapasok sa isip ni Jaslyn, kinukutuban siya sa malapit na mukha ni Pieris at LIVE lalo na sa kulay ng mga mata.
Hindi sumagot ang Prinsesa lalo na't naghahanap ito ng hangin na malalanghap sa basa ngayong panahon. Bigla na lang nanlalabo ang paningin ni Pieris sa hindi niya na makontrol na mabilis ng paghinga, naging dahilan iyon upang bigla na lang madapa ang Prinsesa, tuloy ay nasama sa pagkakadapa si Jaslyn kase magkahawak sila ng kamay.