Bölüm (二十四)

86 13 1
                                    


"Oh bakit ganyan mukha mo? Nakasimangot ka na naman" pagsusuri ni Jaslyn kay Pieris matapos magmano sa kaniya.

Hindi naman ngumingiti ang Prinsesa pero alam na ni Jaslyn kung kailan ito nasa mood o wala. Nararamdaman niya rin kahit hindi sila magkadugo.

"Pinagalitan ka na naman ba ng teacher mo? Nagpasaway ka na naman siguro noh?" humalukipkip si Jaslyn, nag-iwas ng tingin si Pieris.

Nagpakawala ng hininga ang babae sa pagkadismaya, alam niya namang hindi ito pasaway at masunuring bata ang Prinsesa ngunit hindi lang talaga maiiwasan ang talas ng dila nito kapag bubuka na ang bibig.

Dumating na si Ernesto para sunduin sila. Ang lalaki ang nagbitbit ng mga bag nila Pieris at Jaslyn. Akmang maglalakad na sila palabas sa gate nang may tumawag sa kanila.

Ma'am Corpuz! Kristine! Sandale lang po!

Paghahabol ng math teacher kanina ni Pieris. Naging dahilan iyon kung bakit hindi pa nga nakakalapit ang guro sa gawi nila ay nakakunot na ang nuo ng Prinsesa.

Hinihingalang Ginang na huminto sa harap nila. Binati naman ito ni Jaslyn ng may pagtataka sa mukha.

"Bakit po?" magalang na ani Jaslyn. Hindi sumagot agad ang guro, napalingon lang ito kay Pieris.
.
.
.

"Po!? College agad?! Posible po ba ang sinasabi niyo ma'am?" nagugulat na pagtatanong ni Jaslyn, muntikan pang mapatayo sa kinauupuan doon sa opisina.

Sabay na nalingon nila Ernesto at Pieris si Jaslyn sa naging reaksyon nito. Natutuwa naman napatango ang guro ng Prinsesa at ang mismong principal ng school na iyon.

Nag-alok lamang sila ng isang scholarship na bihirang makuha. Isa itong scholarship na kailangang pumasok sa exam. Hindi iyon basta-basta exam para sa mga elementary students lamang, kundi para na iyon sa mga college students.

"Yes, ma'am sa oras na makapasa ang anak niyo ay maaari na siyang magpatuloy sa pag-aaral bilang college student" paliwanag ng punong-guro.

"pero ma'am... ang bata pa po niya para magtake ng ganong uri ng exam" pagdadalawang isip ni Jaslyn.

"Wala ka bang tiwala sa talino ng anak niyo Ma'am Corpuz? Sayang ang pagkakataon ma'am, sa nakikita ko kase ay hindi na pang elementary ang mga nalalaman ni Kristine sa pag-aaral.." pagsingit ng guro.

"at kapag nakapag-aral na siya sa eskwelahang iyon ay magiging libre ang lahat ng mga gastusin pati sa tuition fees at dorm na kaniyang pansamantalang titirhan... Tanging pagkain niya lang ang may bayad" dagdag naman ng principal.

Para silang nanghihikayat ng isang produkto na dapat mabili ni Jaslyn "Ah ma'am... bakit niyo po naisip na maaari ng makapag college si Kristine?" humirit naman si Ernesto sa pagtatanong.

Tahimik lang ang Prinsesa na may sariling mundo na naman. "Ma'am and Sir.. Wala po bang nasasabi sa inyo si Kristine na... lagi niyang nap-perfect ang bawat quizzes, test, projects at assignments nila sa bawat subjects na meron siya? Kung magkakamali man ng isa o dalawang items ay madalang lang"

"Isa pa Ma'am and Sir, bali-balita rin ng iba niyang mga teachers na tamad siya sa klase na panay ang tulog at hindi nakikinig pero kataka-takang matataas ang grado niya... Nasabi niya rin na tinuturuan niya ang sarili sa pagbabasa lamang ng mga libro" patuloy na panghihikayat ng guro.

Kung kanina ay galit na galit ito kay Pieris ngayon ay parang tuwang-tuwa dahil sa may estudyante siyang ganoon katalino.

"Hindi lang po iyon, kahit ang mga hindi pa napag-aaralan o advance na mga lessons na nagmula sa mga mahihirap aralin ay alam niya sagutin... Kung minsan pa nga po ay hindi ko na halos naiintindihan ang kaniyang mga sinasabi ako na mismo na isang teacher" bahagya pang natawa ang guro sa huli niyang sinabi.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon