Bölüm (二十一)

86 13 0
                                    

Tahimik si Pieris habang pinapanood na dahan-dahang lumalapit sa kaniya ang madre. Pinangingiliran ng mga luha ang mga mata nito.

"Jaspher" muling pagbanggit nito ng pangalan na iyon, hinawakan nito ang pisngi ng Prinsesa. Hindi ito nagreklamo sa halip ay napatitig lamang siya sa mukha ng babae.

Nagkatitigan silang dalawa, animo'y ilang taon ang lumipas sa pangungulila base sa tinginan nila. Wala mang kibo o reaksyon ang Prinsesa, nasa isip niya na may kung ano sa kaniyang nais yapusin ng yakap si Jaslyn na nasa harap niya.

"binibining... Jaslyn" napangiting lumuluha si Jaslyn nang muli niyang marinig ang boses ni Pieris. Wala sa sarili niyang hinila ang Prinsesa papalapit sa kaniya at ikinulong niya ito ng kaniyang mahigpit na yakap.

Muling naistatwa ang Prinsesa, hindi niya talaga alam ang gagawin sa t'wing may ganap na ganon. Sa t'wing may hahawak o ang mas hindi niya aasahan ay ang may yayakap sa kaniya. Ang tanging nagawa niya lang ay marahang tapik-tapikin ang likod ni Jaslyn, para bang nakikiramay sa namatay na ipis.

"h-hindi ako m-makahinga" reklamo ni Pieris, dahilan para mapakalas ng mahigpit na yakap si Jaslyn.

Nakaginhawa rin ng maayos ang Prinsesa. "Sorry. Sorry" ani Jaslyn. "Namiss lang talaga kita hija"

"namiss?" nasa tono ng Prinsesa na naguguluhan sa salitang iyon, magkahalo kaseng tagalog at ingles. Paniguradong panibagong lengwahe na naman niya iyong aalamin.

"I missed you" wika ni Jaslyn, napaghalataang hindi naintindihan ng Prinsesa ang nasabi kanina.

Ikinatigil ni Pieris ang narinig. Pakiramdam niya ay tinunaw ng mga salitang iyon ang kaniyang puso.
.
.
.

Naghihintay lamang sa labas ng office si Pieris. Nagtataka pa rin kung ano ba ang sadya nila Jaslyn dito bukod sa binibisita siya at bakit pa sila nasa loob nila Ernesto doon sa office kasama ang ibang staffs at head.

Sabay na silang kumakain ngayon sa Cafeteria dito. Kasabay niya si Ernesto at Jaslyn. Nilalaro niya lang ang pagkain habang pasimpleng nagpapalitan ng tingin sa dalawa na may pagkakataong nagsusubuan pa sa harap niya.

Kanina lang ay sinalubong si Jaslyn ng mga bata rito ng yakap at pagbati para sa pagbisita. Ngayon ay hindi pa rin mawawala ang puno ng tanong sa isip ng Prinsesa.

Halos sina Ernesto at Jaslyn lang ang naguusap, para bang nagmistulang invisible Pieris ang kasama nila sa mesa. Kinakausap naman siya pero puro tango at iling lang ang pagtugon nito sa kanila lalo na sa pangungumusta.

"Ayos ka lang ba talaga hija?" pagaalalang pagtatanong ni Jaslyn kay Pieris dahil sa kanina pa ito malamig ang pakikitungo sa kanila para bang bumalik sa dating Prinsesa na nakilala ni Jaslyn noon.

Nasa labas na sila ng gate ngayon dahil sa tapos na ang oras ng pagbisita nila. Si Ernesto naman ay naghahanap ng masasakyan. Tapos na rin mamaalam si Jaslyn sa iba pang kilala niya roon, sila na lang dalawa ngayon ang nag-uusap.

Nag-iwas ng tingin ang Prinsesa "Aalis ka na... ulit" parang iyon pa lang ang ilang beses na narinig ni Jaslyn na nagsalita ito simula kanina.

Napakatipid magsalita. Kung may mahaba mang sasabihin si Pieris ay putol-putol naman at aabot lang ng dalawang pangungusap.

Napabuntong hininga si Jaslyn saka hinawakan ang kamay ng Prinsesa na halos kasing laki lang ng kaniya, kung titignan si Pieris ngayon ay para bang mukha na itong teenager sa tangkad.

"Kapag may oras ako ulit... bibisita ako muli anak... 'Wag kang mag-alala hinding-hindi kita kalilimutan...'wag mo rin akong kailimutan ah... Babawiin ko ang pagkakataon na hindi kita nakakasama.. kase parang.." pambibitin ni Jaslyn.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon