Bölüm (七)

123 16 1
                                    

Mapupungay na mga matang naimulat ni Pieris ng kan'yang mga mata. Nangunot ang nuo sa pagkaramdam ng hilo sa sandaling siya ay sumubok na maupo sa kinahihigaan.

Kaagad umalalay sa Prinsesa ang mga lingkod. Sinimulang inasikaso habang lumilipad ang isip ni Pieris sa kawalan.

Ayaw kainin ng Prinsesa ang masusustansyang pagkaing niluto para sa kan'ya. Nag-uumpisa na naman ang katigasan ng ulo nito.

Kinausap na siya ng ikalawang Reyna na si Perrie pero lumalabas lang sa kabilang tainga nito ang mga sinasabi ng Reyna. Hanggang sa sumuko si Perrie sa pagkausap sa kaniyang anak.

Naisipan ng Reyna na bigyan muna ng espasyo at oras ang Prinsesa. Kalalabas pa lang mula sa kwarto ng Reyna nang kaagad humarang si Ahmet sa harap nito.

Humingi ito ng pahintulot na makausap si Pieris. Natigilan ang Reyna. Nagtataka man pero hindi naglaon ay pumayag rin dahil sa kilala naman nito si Ahmet.
.
.
.

Naiwan si Ahmet at Pieris sa silid ng Prinsesa. Pinakiusapan din nito sa Reyna na mangyaring lumabas muna ang mga tagapagsilbi.

Sinusubukang basagin ni Ahmet ang katahimikang bumabalot sa kwarto. Hindi pa rin nagsasalita si Pieris hanggang ngayon. Sanay na silang bilang lang sa daliri ang mga salita nito ngunit dumoble ang pagiging tahimik.

Kung ang ibang ordinaryong bata ay palatanong at madadal, malayong-malayo ngayon ang Prinsesa kung ikukumpara sa ibang bata.

"Ahmet... Ben sadece evlatlık mıyım?" (Ahmet... Am I just adopted?)

Napamaang si Ahmet sa biglaang pagsasalita na ni Pieris. Natigilan sa pag-aaliw nito kanina sa Prinsesa. Ikinabigla nito ang tanong ni Pieris. Nabawasan ang pagngiti ni Ahmet. Diretso man ang pagkakatanong nito ay hindi naman diretso ang tingin nito sa kaniya, laging nasa kawalan ang tingin ng Prinsesa.

"Niçin bunu söylüyorsun? Sana evlatlık olduğunu düşündüren ne? Ekselânsları." (Why are you saying that? What makes you think that you were adopted? Your Highness.) mahinahong balik tanong ni Ahmet, hindi kayang sagutin ang tanong ng Prinsesa.

Nakabibinging katahimikan ang nanaig.

"Hiçbir şey değil." (Nothing) tugon ni Pieris at nagbaba ng tingin.

Humugot ng malalim na hininga si Ahmet saka marahang naglakad papalapit sa Prinsesa.

"Biliyor musunuz, Majesteleri. Majestelerinin senden yapmanı istediği tek şey, seni bir Prenses olarak disipline etmenin sadece bir parçası." (You know what, Your Highness. All that the Majesties asks you to do is only part of disciplining you as a Princess.)

Mahinahong pagpapaintindi ni Ahmet kay Pieris habang naghihila ng silya at naupo doon ng may distansya sa Prinsesa.

"Kral'ın kendi kızının bilincini kaybetmesine izin vermesi hâlâ disiplinin bir parçası mı?" (Is it still part of the discipline for the King to let his own daughter lose consciousness?)

Muling napaawang ang labi ni Ahmet. Ang talim at diretso magtanong ang Prinsesa. Hindi siya makapaniwala gayong bawal ang uri ng mga tanong na iyon. Inintindi niya lang ito dahil sa naisip na bata pa ang Prinsesa kaya kulang pa sa disiplina kahit gaano pa ito katalino.

"Bunu Kral'a söyleme, Majesteleri. Bu kötü ve başka biri sizi duyabilir." (Don't say that to the King, Your Highness. That is bad and someone else might hear you.)

Walang kasing kalmadong ani Ahmet na pinagsasabihan ang Prinsesa. Hindi lang kapangyarihan ang masusunod, may kakayahan ring magsalita ang mas nakatatanda kung ano ang tama kaya nasasabi iyon ni Ahmet sa mas nakatataas sa kan'ya.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon