Bölüm 四十二

93 16 5
                                    

Naglalagay ako ng mga damit kong dinala dito sa mumunting kabinet nila. Meron pa namang espasyo sa siksikang mga damit dito ang ilan ay ang gulo pa kaya natagalan ako doon, inayos ko pa kase ang lahat ng mga pagkakatupi ng mga damit nila. Hindi ako sanay na makalat ang nakikita ko. Ang mga damit ko panloob ay itinabi ko ng maayos kung saan hindi nila agad makikita.

Sa silid na ito, para kaming nasa selda pero kompleto ang mga gamit, para lang sa iisang tao tulad na lang ng sopa na nagagawang higaan. Iyon nga lang ay hindi gaanong kalakihan kasya lang talaga sa iisang tao.

Nasa naman nila na pwedeng pumili ng kwarto kaso lang may bayad. Para tuloy kaming nangungupahan nito. Nalaman ko rin na ang nag-iisang bintana dito na kung saan pumasok noon si James ang takasan at pasukan nila sa tuwing nagkakaabirya sa mga raket daw nila tulad ng pagnanakaw, tulad ng sabi ko ay bawal magpakita ng kahinaan dito lalo na kapag may tama.

Bukod sa bawal magpakita ng kahinaan ay bawal rin malaman ang katauhan, basta lang lalaban hanggang kamatayan. Mamamatay nang walang nakakaalam sa pagkatao.  Kaya rin daw amoy dugo ay dahil sa nagtipon na mga bangkay saka nila susunugin ang mga iyon ng walang iniiwang bakas. Nakakapangilabot.

Isa pa, pinapasok ako ng pinunong nagbabatay doon sa labas kahit wala pa akong sinasabing alyas ay dahil isa iyon sa paniniguro kung baguhan ba talaga sa lugar na ito. Kapag nagkataong may sinabi ako kanina ay kanina pa sumabog ang mukha ko sa baril, kung hindi daw makakasagot agad ay pwedeng makapasok, ibig sabihin ay baguhan pa nga.

Tahimik kaming sabay-sabay na kumakain ngayon sa lapag. Hinatiran kami ng mga tauhan dito ng tig-iisang tray, pare-parehong laman ang pagkain namin. Mukha tuloy kaming mga nasa prisohan, pati ang mga suot ay pare-pareho rin.

Nang matapos kami ay nag toothbrush na muna ako, dala ko rin ang mga importante kong mga gamit. Hindi pa daw kami makakalabas sa lugar na ito hangga't hindi pa kami napapayagan o kaya ay walang naka schedule na laban. Kaya siguro minsan ay wala ang iba sa kanilang tatlo, at kaya rin siguro sila nagdiditch sa klase.

Nakatulala ako sa kisame habang nakahiga dito sa malamig na lapag. Hinagisan lang nila ako ng isang unan para magamit ko sa pagtulog. Mas okay na siguro ito kaysa sa walang gamit pantulog at patulugin sa labas habang kinakagat ng mga insekto.

Silang tatlo ay komportableng natutulog doon sa sopa kanina pero nagiging higaan. May kumot at tig-iisa pa silang unan, tabi-tabi sila doon. Hindi ko alam paano sila nagkasya, siguro na a-adjust ang size ng higaan.

Medyo presko naman dito sa pwesto ko dahil sa sahig ito kahit walang bentilador o aircon dahil hindi na sakop ng air conditioner ang silid na ito. Nakapagdasal na ako bago matulog pero ito ako at paikot-ikot pa sa hinihigaan, ito na naman ako at hirap sa pagtulog. Paulit-ulit sumasagi sa isip ko ang nangyari kanina.

Ano bang ginagawa ko dati kapag hindi makatulog?

Nilingon ko silang tatlo upang masiguro kung tulog na ba sila bago ako marahang tumayo at kinuha ang bag ko. Ginawa ko ang makakaya na hindi makagawa ng ingay sa pagbukas sa zipper, hanggang sa mahanap ko na ang hinahanap ko. Balisong.

Naupo muna ako sa pinakamadilim na sulok saka bahagyang inilabas ang palapulsuhan ko. Pinagmasdan ko pa ang talas niyon saka dahan-dahang inilapit sa balat ko.

Nang aakto ko ng hihiwain ang sariling balat ngunit ikinagulat ko nang may kamay na mabilis umagaw sa balisong. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Natigilan ako at biglang kinabahan sa presensya niya, nilingon ko ang hinihigaan niya kanina pero wala siya doon. Hindi ko agad naramdaman ang paglapit niya dahil abala ako sa malalim na pag-iisip habang pinagmamasdan ang balisong kanina.

Lalo akong nagising nang batukan niya ako. Salubong ang mga kilay niya. Iniharang ko ang mga braso ko nang sasapukin pa niya sana ako, inantay ko ang kamay niyang tatama sa akin pero ilang segundo ang lumipas nang hindi ko maramdaman ang hampas niya.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon