Bölüm (十二)

129 14 3
                                    

Warning: S*icidal

___________

Nataranta sa pagbangon ang Reyna mula sa malambot na hinihigaan mtapos makaramdam ng may humihipo sa kaniyang maselang bahagi sa kaniyang dibdib.

Nagising siya at nasalubong ang mga mata ng Prinsipe. Nasilaw pa siya sa liwanag mula sa bintana. Natapik niya agad ang kamay ng Prinsipe. Umaatras kahit nahihila siya pabalik dahil sa pagkakakadena sa kaniya sa higaan na parang hayop.

Manipis lang na tela ang suot ng Reyna, halos makita na ang dapat na itago kaya mabilis niya ring tinakpan ang sarili gamit ang kumot. Iyon lang kase ang pinasuot sa kaniya ni Evilyxidious.

Pimagmasdan ng Prinsipe ang kaniyang mukhang halatang bagong gising lang at mukhang puyat na puyat dahil sa pinaggagawang kababuyan sa kaniya.

Nag-umpisa na namang makaramdam ng takot ang Reyna, nagdadasal na sana 'wag na siya ulit galawin. Diring-diri na siya sa kaniyang sarili. Mahapdi rin ang kaniyang gitnang bahagi.

Tahimik lang siyang pinagmasdan nito habang nasa nanginginig niyang kamay lang siya naka tingin.

"Yeni uyansan bile hala güzelsin" (You are still beautiful even if you just wake up)

"Günaydın kraliçem." (Good morning my queen.)

Hindi kumikibo ang Reyna. Matapos ang nangyari ay hindi na nito narinig na nagsalita ang Reyna. Ni isang salita, walang binibigkas.

"Yemekten önce banyo yapıp üzerini değiştirmen gerekiyor... Bırak sana yardım edeyim." (You need to take a bath and change before you eat ... Let me help you)

Wala pa ring tugon sa Reyna, nanatili lang siya sa kaniyang posisyon kung saan tinatakpan ang sarili. Hanggang sa paglapit sa kaniya ng tuluyan ng Prinsipe at pag-alis ng kumot na tumatakip sa kaniyang katawan ay hindi na ito nanglalaban. Patuloy lang siyang walang kibo.

Sinubukan niyang lumaban para sa kaniyang pamilya at anak ngunit sa huli ay mauubusan siya ng lakas para lumaban at sumuko na lang lalo pa't lalaki ang kaniyang kinakalaban.

Inalis na ang kaniyang kadena ngunit nakaposas pa rin ang mga kamay niya. Pinatayo siya ng Prinsipe na hinawakan ang kaniyang braso. Malamya ang kilos ng Reyna na sumunod na lang sa takot na may kung ano na namang gawin sa kaniya.

Sa pagtapak pa lang ng Reyna sa sahig at akmang pagtayo ay kaagad siyang nawalan ng balanse sa sakit na nararamdaman, mabuti na lamang at hawak siya ng Prinsipe kundi kanina pa siya natumba.

Nanunubig muli ang mga mata ng Reyna, hindi kayang tignan ang Prinsipe matapos marinig ang pagbuntong hininga nito. Sa hininga pa lang ay nadadagdagan na ang takot niya.

Ikinatigil niya ng buhatin siya ng Prinsipe. Naistatwa sa kaniyang posisyon, hindi namalayan na nakapasok na pala siya ng banyo at inihiga siya sa tub.

Mabilis siyang napaupo, sinusuksok ang sarili papalayo sa Prinsipe ngunit huli na ng tuluyang naalis nito ang natitirang tumatakip sa kaniyang buong katawan.

Muling bumuhos ang luha ng Reyna at sinuaubukang 'wag ipahalatang umiiyak siya, dahil naiisip na baka uminit muli ang ulo ng Prinsipe sa pag-iyak niya.

Nabigla pa siya sa malamig na tubig na dumampi sa kaniyang balat, naging dahilan para mahuli ng Prinsipe ang kaniyang pagluha. Natigil sa pagpapaligo sa Reyna. Tinitigan siya ng Prinsipe saglit bago tumayo.

Kinabahan muli si Perrie sa kung anong gagawin nito. Kaagad siyang nanghihingi ng awa kahit wala pa mang ginagawa ito sa kaniya. Napahagulgol bigla dahilan para muli siyang panoorin ng Prinsipe.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon