Epilogue

175 16 5
                                    

Bumalik na sa normal, kung saan lagi akong ginugulpi at nasasaktan. Normal na lang para sa akin ang lahat ng ito. Mukhang hindi na rin maalala ng stepfather ko ang muntikan niya ng gawin sa akin.

Bugbog sarado ang aking katawan na natatakuban ng mahahabang tela sa aking suot. Ngunit kung kumilos ako ay parang wala na lang sa akin ito, iiyak lang ako kapag wala ng tao minsan naman ay nakakalimutan kong umiyak lalo na kapag masyado kong inabala ang sarili sa mga trabaho ko.

May pagkakataon kaseng lilipad ako sa ibang bansa upang asikasuhin ang iba ko pang trabaho, pinagpatuloy ko ang mga hindi pa natatapos na gawain ni Ama at Ina. Nakakaalis lang ako sa ibang bansa sa t'wing may babaeng maiuuwi si Ernesto kaya pinapabigyan ko siya ng babae sa bahay aliwan kung saan siya namamalagi minsan.

Kapag tumatalab na ang planong ginawa namin ay saka ko siya bibigyan ng babaeng madumi upang makakuha siya ng sakit. Tulad ng sabi ko, nais kong maghiganti.

Isang pagpapanggap lamang ang aking kabaitan at kahinaan sa mga taong naging masama sa akin.

Ngayon ay kasama ko ang kabanda ko ngayon, ilang beses kaseng nangulit si boss na isasali niya raw ako dahil sayang naman daw ang talento ko kung hindi ko magagamit sa bar na ito.

Muntanga lang, talagang ipagsasama kami ng nakaaway ko kaya ito at nahihirapan kami sa rehearsal, nagpaparinig palagi si Daniel syempre hindi ako papatalo hanggang sa muntikan na naman kaming mag-aaway.

Iyon ang naging dahilan para bantayan na kami mismo ni Dave. Nasa tabi siya na nakaupo habang sabay-sabay kaming tumutugtog medyo maayos na kumpara kanina na hindi magkasabay-sabay ang tono. 

Ang seryoso kase daw ng mukha ni Dave, kase nasanay silang lagi itong nakangiti, parang si kuya Daxton lang. Magkapatid nga talaga, ipagsama ko sila ni Ahmet e.

Hindi pa rin mawawala ang mga paninira sa akin lalo na kapag mga inggetera ang mga punye mas na ilan kong katrabaho.

Natapos rin kami sa pagpapractice kasama ang banda. Nagliligpit na kami ng gamit ngayon, nilalagay ko na sa casing ang gitara kong si Jasto, nangalawang na kase ito pero pinaayos ko rin. Bigay kase ni Mama noon.

Ilang sandali pa ay may lumapit sa akin pasimple niya pang nililigpit ang gamit malapit sa akin.

"Hi" tipid niyang bati saka para akong natatae na nginitian.

Binigyan ko lang siya ng nagtatanong na tingin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Pagpasensyahan mo na 'yung kaibigan ko si Daniel" wika nito, hindi ako kumikibo. Nagpatuloy lang sa ginagawa dahilan para makita ko sa gilid ng mata kong napakamot batok siya.

"Krist 'di ba?" paninigurado pa niya, tumango naman ako.

"Nga pala, I'm Elton" pagpapakilala niya, halatang parang tambay kung magsalita base sa accent niya sa pagsasalita ng ingles.

Inilahad niya pa ang kamay niya sa harap ko na gustong makipag shake hands. Sinukbit ko na sa balikat ko ang gitara sabay baba ng tingin sa kamay niya.

Hindi ko alam kung anong trip ng isang 'to.

"I'm leaving" aniko at tinapik lang siya sa balikat bago umalis ng nakapamulsa.

Hindi pa nakaligtas sa aking paningin ang tingin ni Dave sa aming dalawa, nag-iwas pa agad ng tingin sa sandaling mapaharap ako, kita ko na naman ang dimple na para bang nagpipigil ng tawa.

Ngayon ay pinapakilala na kami sa harap ng madla. Hindi ko alam na aabot ako sa puntong magkakaroon ng sariling banda at ako ang vocalist dati ay iniisip ko lang ito, ngayon ito na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi gabahan na naman hindi ako sanay sa maraming tao lalo na kapag kaharap ko at napupunta sa akin ang atensyon.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon