Bölüm (十八)

87 13 1
                                    

Patuloy sa pagtakbo si Jaslyn, hinahanap ang pwedeng pagtunguhan nila Cindy. Sa kabilang gawi ay naghihintay lang sa Cafeteria si Pieris, hinihintay na makasabay muli sa hapagkainan sila Cindy at Jaslyn.

Unti-unti na kaseng nasasanay ang Prinsesa na may kasalong kumain, hindi tulad nuon na bihira niya lang maranasan sa kaniyang tunay na pamilya. Sa tuwing may okasyon lang sila nagkakasabay na kumain.

"Cindy! Cindy! Miss papasukin niyo ako! May ibig lang akong kausapin—————"

"Sorry sister pero bawal po kayo dito"

"Sinong may sabi?!" wala sa sariling nabulyawan ni Jaslyn ang babaeng nagbabantay.

Hindi na kailangang sumagot ni Jaslyn dahil sa bigla na lang sumulpot ang naglalakihang mga gwardya ni Mr. Valestero. Napahakbang paatras si Jaslyn, nakaramdam agad ng kaba sa presensya ng mga ito. Hindi man sabihin ay mapaghahalataang makapangyarihang tao ang amo ng mga gwardyang ito.

Walang nagawa si Jaslyn kundi ay ang magkunware na lamang na umalis na kahit nagtatago lang siya sa 'di kalayuan upang abangan ang pagsulpot nila Cindy.

Napalabas ng hangin sa ilong ang Prinsesa, naiinip na kakaantay kay Jaslyn at Cindy. Nagbaba siya ng tingin sa pagkaing unti-unti ng lumalamig.

"You" biglaang tawag niya sa isang staff na nag-aasikaso sa mga bata. Taka siyang tinignan nito lalo na sa paraan niya ng pagtawag dito.

"Bantayan mo ang mga pagkain, kailangan ko lang pumunta sa palikuran" walang kagalang-galang nitong inutusan pa ang lalaking tinawag niya.

Akmang magsasalita na ang lalaki nang ganon kabilis na lang naglaho sa harap niya ang Prinsesa. Napakamot ulo na lamang itong hindi makapaniwala.

Imbes na sa palikuran ang punta ni Pieris ay salungat ito sa dinahilan niya kanina. Hinahanap niya ngayon si Jaslyn. Kung dati ay wala itong pakialam sa madre at pilit tinataboy ay kabaligtaran na ngayon. Minsan pa nga ay kinakantahan siya muli ni Jaslyn hanggang makatulog siya sa gabi, sa t'wing nananatili si Jaslyn sa orphanage at hindi sa simbahan o bahay ng kaniyang mga magulang.

Hindi nagtagal ang kaniyang paghahanap dahil sa bukod sa malakas ang pandinig ay malakas rin ang kaniyang pakiramdam. Nakita niya si Jaslyn sa isang sulok, sa likod ng puno habang nakasilip lang ang kalahating mukha nito, parang may pinagtataguan.

Napagilid ang ulo ng Prinsesa na pinagmamasdan ang madre bago napalingon sa kung saan nakamasid si Jaslyn. Lumapit siya dito ngunit mukhang ayaw magpaistorbo ni Jaslyn sa sobrang seryoso ng mukha kaya hindi niya muna kakausapin, baka maistorbo pa niya.

"Ano na kayang ginagawa nila sa batang iyon?... Paano na ito? Kukunin na ba talaga siya? Totoo niya bang mga magulang iyon o sadyang aampunin na siya? Parang nakakatakot na tao ang kukuha sa batang iyon!" pagkausap ni Jaslyn sa sarili.

Nakikinig lang sa tabi niya si Pieris, nakikisilip rin at nakikitago. Tahimik lang. Hindi naramdaman ang kaniyang presensya kahit nasa tabi lang siya ni Jaslyn.

"Teka nga... bakit ba ako nagkakaganito? Normal lang naman dito ang mag-ampon sa mga batang nangangailangan dito... Hindi naman siguro sila masasamang tao... at hindi rin siguro nila gugutumin ang bata...?"

"Isa pa... Wala akong karapatang pumugil sa kanila... manunuro lamang ako dito at HAY! BIRHENG-MARIA-INA-NG-KALINISLISAN-IPANALANGIN-MO!----- JASPHER!?" patuloy pa sana sa pagkausap ni Jaslyn sa sarili na nagpaikot-ikot sa kaniyang pwesto, sa hindi sinasadya ay doon niya pa lang napansin ang presensya ng Prinsesa.

Blankong tingin siya nito pinapanood. Napadasal tuloy ng 'di oras si Jaslyn na animo'y ginawang rap ang dasal dahil sa pagkagulat.

"Naku kang bata ka! Oo, aatakihin ako sa'yo ng 'di oras... Kanina ka pa ba d'yan?" nilingon ni Pieris ang sariling kinatatayuan bago ulit tinignan si Jaslyn.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon