Sa sinag ng araw nagising ang Prinsesa. May kabigatan ang kaniyang pakiramdam, masakit ang kan'yang kaselanan. Natagpuan ang sarili na hubad at tanging kumot lang ang bumabalot sa kaniya.
Matapos maalala ang nangyari kagabi ay nalibot niya ang paningin nang wala ang presensya ng Prinsipe sa kaniyang tabi.
Naligo at nag-ayos na ang Prinsesa nang may kumatok sa kwarto. Isang punong tagapaglingkod. Pinapasok niya ito at sinabing handa sila upang ayusan na siya. Ikinatigil pa ng mga katulong dito nang makitang tapos ng makaligo ang Prinsesa, dahil dapat sila ang gumagawa nito sa Prinsesa.
"Geç kaldığım için özür dilerim, Majesteleri" (Sorry for being late, Your Highness) kaagad pangunguna sa paghingi ng tawad ng pinuno sa mga tagapaglingkod sa kababaihang nakakataas.
Sabay-sabay silang mababa na yumuko sa harap ng Prinsesa.
"Sorun değil" (It's okay) mahinahong ani Perrie at nginitian sila.
Nagkatinginan ang mga babae sa pagtatakang hindi sila pinaluhod bilang parusa, ganoon na lang kase kahigpit ang batas sa lugar na iyon.
Inayusan na nila ng buhok at damit ang Prinsesa dahil hindi ito nagpalagay ng kung anong kolorete sa mukha. Nag-aangkin kase ito ng natural na ganda kahit saan tignan.
Ang lahat ay kinumusta ang Prinsesa matapos sabay-sabay silang kumain ngunit wala ang Prinsipeng Baris.
Napagdesisyunang puntahan ng Prinsesa ang kan'yang asawa dahil sa ilang araw na silang hindi nagpapansinan at palihim na lilipat ng ibang silid kapag tulog na ang mga magulang, ayaw siya nitong tabihan.
Nakakailang katok na si Perrie mula sa labas ng silid na ito, ngunit wala itong tugon kahit nasabi ng mga tauhan na nasa likuran niya ay nasa kwartong iyon ang Prinsipe.
Hindi sumuko ang Prinsesa at patuloy sa pagkatok. Wala pa rin tugon. Sinabihan niya ang kan'yang mga alalay na maaari muna silang umalis. Nagdadalawang-isip pang sumunod pero umalis rin.
Humugot ng malalim na hininga si Perrie saka muling kumatok "Majesteleri, girebilir miyim?" (Your Highness, may I come in?) magalang pa nitong ani kahit gusto niya ng wasakin ang pinto. Kanina pa siya nakatayo sa kan'yang pwesto.
Marahas napabuga ng hininga ang Prinsesa at nagkunwaring naglakad na lang paalis, hinabaan niya lang ang paglalakad, pahina ng pahina ang yapak pero naroroon pa rin siya sa gilid na ngayon ng pinto. Nagtatago.
Mahigit sampung minuto lang ang lumipas ay doon pa lang bumukas ang pinto. Napanood pa niya kung paano siya nito hinanap at nagulat nang mabaling ang tingin sa pwesto ng Prinsesa.
Nginitian siya ni Perrie, natutuwa dahil gumana ang pagiging makulit pa rin ng babae.
"Günaydın, Majesteleri." (Good morning, Your Highness) may tonong pang-aasar pa ng Prinsesa sa kaniyang pagbati at yumuko.
Naalala ang itsura ng Prinsipe habang hinahanap siya sa pag-aakalang nakaalis na ito kaya hindi niya maiwasang matawa na kanina niya pa ito pinipigilan. Hindi maintindihan ng Prinsesa kung bakit pabago-bago ang kan'yang timpla. Kanina ay naiinis, ngayon ay natatawa sa mababaw na dahilan.
Napatikhim ang Prinsipe na nag-iwas lamang ng tingin at walang pasabi na pumasok muli sa loob. Akmang isasara na niya ang pinto nang ganoon kabilis nakalusot ang Prinsesa upang makapasok rin ito.
Napabuntong hininga na lamang ang Prinsipe, hindi pinagtunan ng pansin ang asawa at naupo muli sa upuan kaharap ng lamesa.
Inililibot ni Perrie ang kaniyang paningin sa laki ng silid na ito. Kasya lahat ang sangkatutak na dami ng mga libro.