Bölüm (二十三)

81 15 0
                                    

"Mama"

Nalingon ni Jaslyn ang Prinsesa matapos siyang tawagin.

"Oh anak?"

"Bakit ang liliit pala nung mga upuan doon?"

"Saan?"

"Sa eskwelahan po"

Pinatay muna ni Jaslyn ang gripo, patuloy naman sa pagpupunas ng mga basang plato si Pieris. Habang maaga pa kase ay tinuturuan na ito ni Jaslyn sa mga gawaing bahay.

Bahagyang natawa si Jaslyn "Para iyon sa mga katulad mong bata... mukhang hindi ka lang kasya doon... o s'ya hayaan mo at sasabihan ko si Ms. Mendoza para ikaw ay may maupuan ng maayos"

Patuloy na hinuhugasan muli ni Jaslyn ang mga plato.

"Huwag na po"

"Bakit naman?"

"Mag-uusap rin naman kami bukas" hindi muna nakatugon pabalik si Jaslyn, napaisip sa sinabi ni Pieris. Naalala na sinabihan niya itong humingi ng tawad sa guro.

Napangiti ang babae dahilan para lingunin siya ng Prinsesa. "Oh?" ani Pieris binigyan ng nagtatanong na tingin ang babae. Napatitig na ito sa kaniya.

"Napaisip lang..."

"ng alin po?"

Tipid na napangiting umiling si Jaslyn "Wala lang" napangiwi si Pieris sa sagot nito dahilan para mahinang matawa si Jaslyn.

"Oh 'wag ka ng manghula d'yan kung anong iniisip ko... alam kong hindi mo rin naman sasagutin"

"Malay mo masagot ko.. po"

Lumabi si Jaslyn saka kumunot ang nuo, inusisa ang Prinsesa "Sige nga sagutin mo itong tanong ko" naghihintay ang Prinsesa sa sasabihin nito.

"Dito sa bansang ito ka ba isinilang.. o sa ibang bansa? Kung sa ibang bansa man... paano ka nakapunta dito?"

Natigilan si Pieris, hindi nito akalain na mapapaisip ng ganoong tanong si Jaslyn. Mukhang nakukuryoso nga ito tungkol sa kaniyang pinagmulan at sa kung anong lahi niya.

"Lumipad gamit eroplano" pamimilosopong sagot ng Prinsesa na ikinakunot muli ng nuo ni Jaslyn.

"Jaspher..." pagbabawal ni Jaslyn.

"Tsk. Totoo naman, hindi naman barko ginamit namin... atsaka alangan naman languyin namin ang buong karagatan po?" pagdadahilan pa nito upang maiba ang usapan.

Napangiwi si Jaslyn, hindi alam kung nagpapatawa ba ang Prinsesa o sadyang may tinatago ito at may iniiwasang pag-usapan.

"Ibig rin bang sabihin non sa ibang bansa ka talaga isinilang?... at hindi ka talaga taga rito sa Pinas? Wala kang lahing Pilipino hija?" sa pagkakuryoso ni Jaslyn ay sunod-sunod na siyang napatanong sa bata.

Hindi agad nakasagot muli ang Prinsesa.

"Ang seryoso yata ng usapan ng mag-ina ko?" sabay nilang nalingon si Ernesto na kakapasok lang sa kusina.

Kaagad lumapit kay Jaslyn at humawak sa bewang nito saka nagpalitan ng tingin sa dalawa. "Anong pinag-uusapan niyo?" kuryoso ring tanong nito.

Nagkatinginan muna sina Jaslyn at Pieris.

"Tungkol lang sa first day niya, mahal" si Jaslyn ang sumagot sabay ngiti kay Ernesto, nahawa naman ito at ngumiti rin pabalik bago bumaling ang tingin sa Prinsesa.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon