Bölüm 三十四

86 16 1
                                    


Nanabik ako nang isiping nakahanap rin ako ng trabaho sa tulong na naman ni kuya Daxton. Andami niya ng tulong na nagawa. Samatalang ako palaging tumatanggi, dahil kailangan.

Hindi ako nakatanggi dahil malaki na ang offer niya. Sa normal na tutor, kung hindi ako nagkakamali ay nasa 200-300 ang sahod per hour na 'yun, pero ang sabi nito sa akin ay 1,000 per hour daw ang ibabayad sa akin.

Pinagtataka ko kung bakit hindi niya na lang binigay ang address na pupuntahan ko kung nasaan nandoon ang tuturuan ko. Iniisip ko na baka pang elementary lang ang tuturuan ko dahil sa edad kong ito.

Katatapos lang ng klase, nalingon ko itong mga kasabay ko sa paglalakad. Sila kuya Daxton kasama sila kuya Travis at kuya Rowan kaya pinagtitinginan ako ng mga kababaihan, para bang binabantaan ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong problema nila sa akin.

Uwian na ng ibang estudyante, hindi na ako naglunch at dumiretso lang sa parking lot. Sinabihan kase ako ni kuya Dax na maghintay lang doon at dadating din daw ang tuturuan ko. Naghintay ako doon at hindi ko mawari kung bakit nakasunod pa rin silang tatlo sa akin.

Nakapamulsa lang akong nakatayo doon habang bitbit ko ang isa kong bag, iyong isa ko pang bag ay naiwan ko niyon sa bahay kung nasaan ang inhaler ko at ilang gamot pero may tinira akong gamot ko sa gamit kong bag ngayon.

Nasundan ko ng tingin sila kuya Travis at kuya Rowan na sumakay sa kanilang sariling magagarang sasakyan. Mukhang mga mamahalin at hindi basta-basta mabibili.

Nakasakay at nakaalis na lang silang dalawa pero may naramdaman akong presensya malapit sa gawi ko, bahagya akong napaigtad ng mapalingon ako sa tabi ko. Nakatayo rin doon si kuya Daxton, ginaya ang pagkakapamulsa ko sa maluwag na pants na suot ko.

"Let's go?" anyaya niya.

Nalingon ko pa ang tabi-tabi kung may iba pa bang tao doon bukod sa akin, baka hindi ako ang kausap niya pero nang lingunin ko siya ay nakatingin na pala siya sa akin. Nasalo ko ang kulay kape niyang mga mata.

Nginitian niya ako dahilan para lumabas ang dimple "I said, let's go?" tanong niya ulit, napaturo ako sa sarili.

Ako?

"Huh? Bakit?"

"Akala ko ba magtatrabaho ka?" bahagya pa siyang natawa.

Hindi ako makapaniwala. Nakasakay na lang kami sa sasakyan niya at nakarating sa mansyon daw nila. Lutang pa rin ako, hindi namalayang naglalakad pa kami patungo sa kung saan.

"Nakauwi na ba si Dave?" tanong ni kuya sa isang babae na mukhang kasambahay dito.

Ang laki ng bahay nila, mukhang galante at masasabi kong kabilang sila sa makapangyarihang pamilya. Ngunit kung ikukumpara itong mansyon sa aming palasyo, wala pa sa kalahati ng aming tirahan ang mansyon na ito.

Nakapasok kami sa isang kwarto, pinagbuksan niya pa ako. Nasabi niyang study room daw iyon. Halata naman kahit hindi niya sabihin dahil sa dami ng libro dito at may mga teknolohiya pa.

"Iyong Dave ba ang aking tuturuan kuya?" tanong ko nang sinarado niya na ang pintuan.

Nalingon niya ako saka bahagyang ngumiti at umiling. "Sino ba iyon po?"

Hindi niya muna ako sinagot at nangunang naupo sa upuan sa isang table dito. Inanyayahan niya akong maupo.

"Ako" sagot niya na ikinatigil ko. Napatitig sa kaniya, mukha siyang hindi nagbibiro. Pinagmasdan ko pa siya sa pag-aakalang niloloko niya lang ako pero nginitian niya ako na may seryosong mukha.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon