Bölüm 三十七

88 16 4
                                    

"teach me" lakas loob kong diretsahang sabi. Buo na ang loob ko sa desisyong ito.

"ahm... teach you what?" takang tanong ni Ax sabay kamot sa kili-kili niya at amoy sa pinanggamit na kamay. Pati toothpick na pinanggamitan niya ay inamoy niya rin bago tinapon sa kung saan.

"baka teach me how to dougie?" sabat ni James na ikinakunot ng nuo ko rito. Nagtawanan pa ang tatlong mga abnoy.

Minsan talaga ay paiba-iba ang mood ni James na napapansin ko. Minsan seryoso na laging nakasimangot, minsan naman ay loko-loko tulad nila Lito. Ang hirap nilang intindihin'g tatlo.

Napabuntong hininga ako sa pagiging matino nila kausap.

"Teach me how to be you guys. Teach me how to fight" doon pa lang sila nahinto kakahalakhak sa aking sinabi.

Alam kong may kailangan rin sila mula sa akin kaya isasagad ko na. Napapaisip rin ako na baka hindi nga sila basta-basta magnanakaw o kung ano lang na may masamang gawain. Kase sinong ordinaryong magnanakaw lang ang kayang makatakas sa pulisya ng walang kahirap-hirap tulad ng ginawa ni Lito.

Kita ko ang magkahalong gulat at naguguluhang mukha na nakatingin s akin. Nagkatinginan pa silang tatlo. Natahimik, ilang saglit pa ay sabay ulit silang tumawa. Mas malakas pa ang pagkakatawa nila kaysa kanina. Para bang mauubusan ng hininga at inaataki ng ubo.

"Atay uy mura nuon kog gihubak! HAHAHA!" (T aninga uy para tuloy akong hinika!) tatawa-tawa pang wika ni Lito, labas ang dila sa kakaubo na parang malalagutan ng hininga. Lumuluha na sa kakahalakhak.

Aye! aye!

Pag-uumpisa ni Ax biglang naging bulate sa pagsasayaw.

Teach me how to dougie (aye!)

Kumanta bigla si Lito, second voice naman si Ax habang si James ay panay ang pagtawa na tiga cheer sa dalawa.

They be like smooth (what?)

Nakisabay na si James sa pag second voice, biglang nag beat box. Salubong lang ang mga kilay ko na pinanood sila, naghihintay kung kailan sila matatapos.

Magkano ba talent fee nila?

Can you teach me how to dougie?

You know why?

Tumalikod pa silang dalawa sa gawi ko saka iniangat ng bahagya ang mga pwet at pinatalbog-talbog ito, ang laswa nila tignan kung ano mang klaseng sayaw iyan.

Kaya hanggang ngayon ay hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong magpaturo sa kanila dahil sa mukha lang silang mga walang alam pero magaling pala sa pakikipagbasag ulo.

Cause all da b itches love me (aye)

All I need is a beat that's super bumpin'

Sumandal ako sa kung saan, pinagkros ang aking mga paa.

And for you, you, you to back it up and dougie!-----


"You'll teach me or I'll report you?" walang emosyon kong sabi bago naghalukipkip, pinaalala ang ginawa nilang kasalanan sa akin, mula sa pagnanakaw, sa pananakit, trespassing din sila sa dorm at sa pagkidnap sa akin.

Napaayos sila ng tayo at bumalik sa pwesto.

"Hoy bakla, ano bang pinagsasabi mo?" tanong bigla ni Lito, ang bilis nagseryoso. Mga abnoy talaga.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon