Bölüm (二)

275 19 0
                                    

Warning!

Tulad ng aking sinabi na Mature Content ito, sa madaling salita SPG. Makikita naman sa description ng kwentong ito.

Sa part 2 rin ng IJWTBH ay nagbigay na ako ng babala, kaya 'wag niyong isisi sa kwentong ito kung hindi ka na inosente dahil simula't sapul desisyon mo itong basahin kahit may nakalagay na warning.

(-_-)

Kinakabahan ako. Tae.

__________

Ngayon ang araw ng paglisan ng mahal na prinsipeng si Evilyxidious Ceyhun Asmodeus Erdoğan, marami ang nanlumo sa pagalis nito ngunit marami din ang natuwa dahil nga sa hindi pabor na maging Prinsipe ang isang anak sa pagkakamali.

Sa araw na ito, ito ang huling masisilayan ng prinsipe ang palasyong kaniyang kinalakihan. Ang mga taong kaniyang tinulungan.

Sa araw rin na ito ay napag-alam ng Prinsesang Perrie na itinakda siya ng kaniyang Amang Hari na maipakasal sa isang makapangyarihang Imperyo kaya sila naririto sa bansang ito.

Trandisyon sa mga may dugong bughaw ang pinagkasundong kasal kahit hindi pa magkakilala ang ikakasal, ni hindi nakikita o nahahawakan ang papakasalan. Mapabata man o matanda na, magkaiba man o magkapareho ng edad, pwersahang maikakasal ang nasa ganitong uri ng makapangyarihang pamilya.

Nagpapatuloy ang kayamanan at kapangyarihang ito kung dadami ang magiging anak ng itinakdang ikasal. Ngunit hindi rin maganda ang dulot ng maraming anak kung nabibilang sa pamilyang may ganito kalakas ang kapit.

Maaaring magpatayan para lang sa kapangyarihan.

"Wǒ bù huì jià gěi rènhé wǒ bù ài de rén, fùqīn" (I will not marry anyone I do not love, Father) pagmamatigas ng Prinsesa sa harap ng Hari na kaniyang Ama.

Hindi na kataka-takang ganoon na lang ka awtoridad sumagot ang Prinsesa dahil sa mura niyang edad, matanda na ang kaniyang pag-iisip, may kakulitan nga lang gaya ng mga normal na bata.

"Diànxià, zuò juédìng yào shènzhòng. Nǐ zhèngzài shīqù duì bìxià de zūnzhòng" (Your Highness, be prudent in making a desicion. You are losing respect for Majesty.) mahinang pagsaway sa kaniya ng kaniyang kanang kamay.

Hindi natinag ang Prinsesa at nanatiling diretso ang tingin sa Hari kahit ipinagbabawal ito, kailangan nasa baba lamang ang tingin. Masunurin, magalang at mapagmahal ang Prinsesa, ngayon lamang sumasagot ng ganito ang Prinsesa sa harap ng Hari dahilan para ikagulat ng karamihan doon.

Napakatahimik ng lahat, wala ni isang sumubok na mag-usap sa naglalabanang tingin ng parehong nakatataas. Kahit sumasagot ngayon ang Prinsesa ay kanina pa naghuhurumintado sa pagtibok ang puso niya dahil maaari siyang maparusahan sa kaniyang ginagawa. Ngunit para sa kaniya ang parusa ay sa mismong kasal na.

"Nǐ sìhū wàngjìle zìjǐ shǔyú nǎge jiātíng." (You seem to have forgotten which family you belong to.) natigilan ang Prinsesa, doon palang bumaba ang tingin niya.

Ilang sandali bago nagpatuloy magsalita ang Hari "Bùguǎn nǐ xǐ bù xǐhuān, hūnyīn dūhuì jìxù xiàqù." (Marriage will continue whether you like it or not.)

Sumisigaw ang kapangyarihan ng Hari sa desisyon nito bago tumayo ito na ikinayuko ng lahat habang naiwang tulala ang Prinsesa Perrie nang lampasan siya ng Hari. Unti-unting nanguyom ang kaniyang kamao.

Nagmukmok magdamag sa kwarto ang Prinsesa, walang awat na umiiyak habang inaantay ang sulat mula sa Prinsipeng nakakausap niya. Hindi sumasabay sa pagkain, hindi nakikipagkausap kahit kanino. Ngunit ang paghihintay na iyon ay ikinawala lalo ng gana nang walang dumating pabalik na sulat mula sa Prinsipe.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon