Bölüm 五十一

125 12 6
                                    

Kalalabas ko lang ng banyo at katatapos lang magshower. Nagpapatuyo ako ngayon ng buhok gamit ang maliit na tuwalya nang may napansin akong nakapatong sa aking mesa.

Isinabit ko muna sa aking balikat ang tuwalya saka iyon kinuha. Kulay itim na card, ganoon din ang itsura sa sinunog kong sulat na nagmula kay LIVE. Tama nga ang hinala ko na sa lalaki ding iyon nagmumula ang sulat na ito, gaya ng inaasahan ay puro pagbabanta lang ang laman no'n.

Hinanap ko ang tracking device na tulad rin sa pinageksperimentuhan ko muna noon at napag-alaman kong nagtataglay din iyon na may record ng boses, ibig sabihin ay maaaring may nakikinig sa akin kapag hindi ko sinira ang bagay na iyon. Pinunit ko ito sabay tapon sa basurahan.

Malamya akong pabagsak na humiga sa napakalaking kama. Ang tahimik dito, pero ayos lang sanay naman akong mag-isa. Gusto ko nga ang mapag-isa para walang ingay.

Ipinatong ko ang likurang palad sa aking nuo habang tulala lang sa kisame. Pagod na naman ang aking isip. Paulit-ulit kong iniisip ang mga sinabi ni Wynn sa akin.

Napapaisip ako kung sa paanong paraan niya kami prinotektahan ni Lito kung pinatay niya ito, hanggang ngayon kase ay hindi ako maniniwala sa kaniya hangga't hindi ko nakikita si Lito na nasa maayos siyang kalagayan. Baka pinagloloko lang ako ng demonyitang 'yun. Hindi ko pa rin matanggap na nagkapinsan ako ng isang mafia princess.

Aaminin kong malakas nga ang dating ni Wynn, hindi ko alam kung anong magkaparehas namin para lagi akong ikumpara nilang tatlo abno sa pinsan ko pa lang iyon gayong mas mukha siyang disiplinado kumilos habang ako ay parang siga sa kanto.

Paniguradong ginagamot na ang Prinsesang iyon dahil sa pagbaril ko sa kaniya kaya ang sama na lang rin ng tingin sa akin kanina kahit pa hindi niya ako nilalabanan, alam niya rin siguro ang pagkakamali niyang paglilihim.

Bukas na bukas raw ay pupunta kaming Cebu upang makita si Lito, pero bago lahat iyon ay sinabihan nila ako na ititigil ko na ang pagpapanggap na binabayaran para pumatay. Nangako akong hihinto na kung makikita ko nga si kuya.

Sinabihan ko rin si Ahmet na ipahanap ang magulang no'ng batang pulubi na nakilala ko bilang Macy Yalung. Sa t'wing naiisip ko ang apilyedo niya ay naaalala ko ang apilyedo rin ng stepfather ko na ang buong pangalan ay Ernesto Elecio Yalung. Naiisip ko na baka kadugo niya iyon o baka masyado lang akong nago-over think kaya napapagod ang utak ko.

Ngayon naman ay iiisip ko kung paano nakakapasok dito ang isa sa tauhan ni LIVE para dalhan ako ng mga walang kwentang sulat.

Nahuli ko rin sa CCTV noon na may tauhan niya ang nagmistulang akyat-bahay pero naglagay lang pala ng sulat. As usual puro itim ang suot mula ulo hanggang paa pero iba ang itsura niyon sa uniporme namin noon sa imperyo.

Sa pag-iingat ko kase sa lugar na ito ay kinabitan ko ng mga teknolohiya ang mga gamit ko dito pati na rin ang pasukan kaya siguro dumaan iyon dito sa kwarto ko. Susunod itong kwarto ko naman ang bibigyan ko ng harang.

Sa pag-eekspiremento ko nga ay nakagawa ako ng isang robot na inilagay ko sa aking sasakyan, minsan ay awtomatiko iyong nagmamaneho ayon sa utos ko kung gugustuhin ko. Pati na rin ang helmet ko sa motor kong si Bill ay awtomatikong nagsasara ang salamin.

Epekto siguro ito ng mga gamot ko, pati mga gamit pinapangalanan ko na.

Gumawa rin ako ng kung anu-ano pang hologram na pwedeng ikonekta sa utak kung anong gustong sabihin ng hindi nagsasalita. Ginagamit ko iyon minsan sa iba kong trabaho sa t'wing ayaw kong may makakilala sa boses ko.

Ganito na siguro ako kabaliw para kung anu-ano na lang ang ma imbento, kailangan ko na sigurong magpatingin sa psychiatrist.

Pinilit kong huwag mag-isip muna ng kung ano na naman at nakatulog bigla sa pagod sa pagluha kanina.
.
.
.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon