"I'm Prince Piercy"
"L-Liú tàizǐ, nǐ de tóng fù yì mǔ xiōngdì." (Prince of L-Liu, your half brother) nautal pa siya sa kaniyang pagpapakilala, kabado.
Kailan pa ako nagkaroon ng kapatid sa mga Liu?
Nanguyom ang aking mga kamao, malalim ang aking paghinga habang unti-unting nag-aapoy sa galit mula sa aking narinig.
Naikwento pala sa akin ni Ahmet na ginahasa ng dating Prinsipe ang aking ina. Nanginginig ang kamao ko sa isiping iyon, hindi nila agad sinabi na nagbunga ang ginawang kababuyan ni LIVE.
Nagtitiim ang aking bagang na wala sa sariling mabilis na naglakad papalapit sa lalaki at marahas ko itong kinwelyuhan. Ikinagulat nilang tatlo ang ginawa ko nang isandal ko ito sa pader, halos mabuhat ko siya sa pagkakakwelyo. Napapasuko siya agad ng mga kamay niya sa pagkabigla.
"Your Highness!" kaagad na suway ni Wynn ngunit hindi naalis ang nakamamatay kong tingin sa Piercy na ito.
"BAKIT!?" bulyaw ko sa lalaki, nabigla pa sa paninigaw ko, mukhang hindi niya naintindihan ang lengwaheng ginagamit ko.
"BAKIT NAGING KAPATID PA KITA!?" inaalog ko pa siya sa panggigigil at nagpipigil na saktan ito.
"DEMONYO ANG IYONG AMA! BAKIT ANAK KA PA NG ISANG KALABAN!?" patuloy kong pagsigaw dito, namumutla na siya sa kaba at hindi ako malabanan ng tingin.
"PUT ANGINAAA!!" paghasik ko bago malakas na sinuntok ang pader na nasa gilid ng ulo niya.
Parang pati paghinga niya ay napigilan niya rin nang nanginginig niyang sinundan ang kamao kong halos bumaon sa pader, biglang nagcrack. Muli kong nilamukos ang damit niya gamit ang dalawang kamay ko muli, may napansin akong sugat sa kamao ko sa pagkakasuntok ko sa matigas na pader. Hindi ko ramdam ang hapdi, mas lamang ang galit ko ngayon.
Pilit akong inaawat ng dalawa dahil halos mapunit ko na ang damit ng Piercy na ito sa paglalamukos ko. Nanunubig ang aking mga mata sa galit na binalingan ng tingin ang dalawa.
"Bakit hindi niyo sinabi agad!?" gigil kong wika, hindi sila nakasagot.
"A-Abla, yanlış bir şey yaptıysam özür d-dilerim.---" (A-abla, I apologize if I did something w-wrong---) pagsingit pa nitong lalaki.
Humihingi ng tawad kahit mukhang naguguluhan kung bakit ako nagkakaganito, mukhang hindi pa nito alam ang hidwaan sa pagitan ng pamilya namin.
Bako pa ako may masabi o magawa pang masama ay pinili kong tumalikod na saka nagmamadaling lumabas na. Doon ko pa lang ibinuhos ang aking mga luha, imbes na matuwa dahil sa hindi na ako nag-iisang anak ay ikinagagalit ko pa ng anak pa ito ng hayop na iyon.
Sumunod na araw ay wala na akong halos ganang kumain sa t'wing naaalala ko ang pagmumukha ng kapatid ko na iyon. Gusto ko siyang saktan bilang ganti sa uncle ko, ngunit alam kong bilang anak sa labas ay inosente siya, hindi niya kasalanan na isinilang siya sa mundong ito.
Alam kong mali ang ginawa ko sa kaniya kagabi pero hindi ko talaga matanggap. Nagkaroon ako ng kapatid mula sa lalaking pumaslang sa aking mga magulang.
Nagkulong ako sa kwarto habang may malalim na iniisip. Ilang beses na rin akong hinatiran ng pagkain ng mga servants namin ngunit hindi ko naman ito nauubos, nasasayangan rin kase ako sa grasya.
Malamya akong bumangon sa kinahihigaan at akmang papasok na sa banyo nang biglang may kumatok at umanunsyo, nandito daw si Wynn.
Sinusubukan nila akong kausapin nilang dalawa ni Ahmet pero hindi ko pinapatuloy, kailangan ko muna ng espasyo para tanggapin ko na kapatid ko iyon. Hindi ko na lang sana iyon papansinin nang magsalita na mismo si Wynn.