Bölüm 四十一

94 14 4
                                    

Pamilyar sa akin ang tinatahak naming daan. Papunta ito doon sa abandonadong lugar, kaya ganoon na lang ang pagtataka ko kung bakit kailangan niya pa akong sunduin kung pwede naman akong pumunta doon mag-isa.

Ngayon ko lang din nalaman na may motor pala siya at marunong siyang magmaneho ng ganito kabilis. May pagkakataong nakakatakot siyang magmaneho dahil sa paminsan-minsan ay sa sobrang bilis, napapatagilid na ang motor. Mabuti na lang at maluwag ang daan.

"Lito" tawag ko sa kaniya pero hindi ako narinig.

Dahil siguro sa hangin na sumasalubong sa amin at nakahelmet rin kaming pareho. Nakakapit lang ako sa likuran nitong motor at hindi sa balikat niya. Mamaya ko na lang siguro tatanungin.

Tama nga ang hinala kong dito kami sa abandonadong lugar huminto pero nasa likuran ito banda. Inabot ko na sa kaniya ang helmet na pinasuot niya sa akin.

"Lito" tawag ko muli sa kaniya. Hindi pa rin sumagot maski lingunin ako ay hindi niya ginawa.

Imposibleng hindi niya ako marinig dahil napakatahimik sa lugar na ito, aakalaing walang nakatira isa pa kami lang dalawa dito sa madilim na bahagi.

Mabibilis ang lakad niyang nilampasan ako habang hawak ang dalawang helmet. Nangunang pumasok na sa loob.

Galit pa rin ba siya?...

Napasunod ako sa kaniya agad. Naalala kong silang tatlo ay galit sa akin dahil sa pagmamatigas kong sumali. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kaya nila nililihim iyon para protektahan ako. Bigla rin kase akong nakuryoso kung manalo man sa larong iyon, ano ang magiging premyo?

Nakapasok na lang kami sa silid na ito, nakita ko sila Ax at James na nakabihis ng puros itim mula taas hanggang paa. Itim na itim, iyon ang suot dati ni James sa unang pagkikita namin.

May burol ba?

Hinagisan ako ni Ax ng telang kulay itim. Sa pagtataka ay iniladlad ko ito upang alamin kung ano itong binigay niya. Isang damit na katulad sa suot nila, may tela din doon para pangtalukbong sa buong mukha.

Nalipat ang tingin ko sa mga sandatang nakalapag sa mesa. Isa-isa nila iyong kinuha na binulsa nila, ang ilan ay ikinabit nila sa kung saan na hindi agad makikita.

Magiging ninja turtles na ba kami, pero black version?

Lumbas si Lito mula sa banyo, kaya pala nawala saglit dahil sa nagbihis ito. Pare-pareho na kami ng suot ngayon, pinakatali ko rin ang buhok ko kahit gulo-gulo.

Sabi nila ay kailangan ko rin daw itago ang lahat maliban sa mga mata ko, lalo akong naguluhan kung para saan 'to. Pinapili nila ako kung anong armas ang gusto kong dalhin, una kong pinili ang balisong at dalawang handguns. Kahit nalilito ay sumunod naman ako.

"Sigurado ka na ba dito, Krist?" tanong bigla ni Ax, siya lang ang kumausap sa akin. Bumulong.

Ang lamig bigla kase ng pakikitungo nila para bang gumawa ako ng napakalaking kasalanan na hindi nila nagustuhan, kahit sila rin ay makasalanan.

Tango lang ang naisagot ko.

"Krist... Ito tatandaan mo, whatever happens... just follow. Hindi ka pwedeng tumanggi" bigla akong natigilan sa binulong niya.

Para bang bigla akong kinabahan at doon ko pa lang naisip na napakadelikado ng desisyon kong ito, kaya siguro nagalit sila sa akin. Alam ko kaseng matigas ang ulo ko kaya hindi ako madaling pasunurin, maliban na lang kung importante.

Tinanguan ko muli siya. Lumapit pa ako sa kaniya para magkarinigan kami ng maayos.

"May prosesong magaganap mamaya, kahit anong mangyare huwag na huwag kang magsisimula ng gulo." muli akong nakaramdam ng kaba sa mga binanggit niya.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon