Nagtama ang aming paningin. Sa paraan niya ng pagtingin ay para bang kinikilala niya ako. Kita ko ang bahagya niyang pagkagulat pero agad ring bumalik sa kalmadong mukha at muling binalik ang tingin sa nag-aawat na mga kalalakihan. Para bang wala lang sa kaniyaang presensya ko kahit mukhang nakilala na ako nito.
Nilingon ko rin ang gawi ng mga lalaki. Hindi ko alam kung ano bang nakakalibang d'yan kung sinasaktan nila ang isa't-isa at nagkakapatayan na. Kahit nakita ko na ang uri ng labanan na iyon ay hindi ko pa rin maiwasang mabigla sa bawat atake nila, iba ang pakiramdam kapag live ang away at hindi scripted gaya sa nakikita ko sa telebisyon.
Sinubukan kong balewalain iyon at kumilos ng normal na para bang kunware ay sanay na akong makakita ng ganoong away, iyong tipong walang patakaran na sinusunod at kailangang may dadanak na dugo. Baka may ibang makanakaw ng atensyon ko, ikapahamak ko pa.
Sinulyapan ko muli sa gawi kung nasaan si James ngunit nabigla ako nang parang bulang nawala siya doon. Mabilis kong inilibot ang aking paningin upang hanapin siya, kailangan ko siya dahil siya ang makakapagturo sa akin kung nasaan ang lalaking magnanakaw na iyon. Mukha naman silang close ng lalaking iyon na hindi ko pa alam ang pangalan.
Where did he go?
Nakipagsiksikan ako ulit sa mga tao. Hinahanap siya, nawala na siya sa aking paningin.
"Excuse" tipid kong wika habang nakikisingit rito, sinusubukang kumawala sa bilang ng mga tao dito.
Natutulak ako dito at muntikan pang magkandarapa hanggang sa tuluyan akong makaalis sa siksikan. Napunta ako rito sa isang daan dito. Hindi siya matatawag na normal na daan dahil masikip ito, mas maliit pa sa dinaanan kong shortcut niyang naghahabulan kami ng magnanakaw na iyon kumpara sa kaharap kong daan. May kadiliman rin at amoy mapanghi, para bang dito umiihi ang ilan. Ang sakit sa ilong ang baho kahit may mask ako.
Lalampasan ko sana iyon pero agad akong may napansin. Bukod sa ingay rito ay nakarinig ako nang tunog ng pares ng sapatos, papalayo sa gawi ko at pakiramdam ko ay nandidito sa daang ito nanggagaling. Parang may naglalakad sa daang ito papalayo.
Tinapunan ko ng tingin ang paligid, sinigurado kung may makakakita ba sa akin kapag pumasok ako doon. Kahit natatakot ay naglakad na ako papasok, natatakot ako na baka hindi na ako makalabas kapag natunton ko ang pinakadulo nito kaya pabalik-balik ako sa paglalakad kung itutuloy ko ba itong pagpasok lalo pa't wala akong tiwala sa sarili ko.
Sa huli ay dinala ako ng mga paa ko papasok at dire-diretso. Habang papalayo ako sa pinagmulan ko kanina ay padilim ng padilim ang nadadaanan ko, muntikan pa akong matalisud. Doon ko naalalang may dala pala akong maliit na flashlight na, kay ate Wendy ito. Kinuha ko ng walang paalam dahil sa tingin ko ay kakailanganin ko ito, kaya kailangan ko rin itong ingatan.
Wala pa man ay pinangungunahan na ako ng kaba. Halos marinig ko na ang sariling pagkabog ng aking puso. Panay ang lunok ko, kahit sanay ako sa dilim dahil palagi naman akong kinukulong noon ay hindi ko pa rin maiwasang magpanic sa kaloob-looban ko. Wala akong makitang ibang tao dito pero hindi ko maintindihan kung bakit malakas ang pakiramdam ko na may ibang tao dito bukod sa akin.
para kay Ama ito, kaya mo 'yan..
Huminto muna ako saglit. Pinapalakas ang loob, baka 'di oras akong atakihin ng asthma dito hindi lang sa mabahong amoy kundi sa takot ko na baka hindi ko na mabawi ang anklet sa mga oras na ito.
Napabuga ako ng marahas na hininga saka mabilis nang naglakad, baka tagalan pa ako dito. Habang papalayo ako ng papalayo na mukhang mahaba ang daang ito at medyo nawawala na ang mapanghing amoy, hindi naman ako makahinga ng maayos dahil sa pagkakakulob dito at kaunti lang ang hangin na nakakapasok. Pasikip ng pasikip ang daan, para akong naliligaw sa isang bangungot.