Bölüm 三十九

95 18 5
                                    

Isang linggo ang lumipas. Sa mga araw na lumipas na iyon ay puro kami nakatuon sa aking pag-eehersisyo upang mapalakas ang aking katawan at lumiksi ang aking kilos.

Dating gawi, pagtapos ng klase ay gagawin ko na agad ang mga school works ko saka pupunta sa lugar na iyon. Napapansin na nila ate Betty ang madalas na pag-alis ko dahil panay na naman ang pagtatanong nila ung bakit daw palaging may lakad ako gayong alam nila ay lagi lang akong nakahiga sa kama.

Nagbago mag ang trato sa akin ng tatlo ay parang ramdam ko ang pag-iwas bigla sa akin ni James sa hindi malamang dahilan. Dahil siguro sa nangyari niyong kaarawan ni Ax. Gayon pa man ay binigyan nila ako ng kaunting pera na aabot ng tatlong libo, para daw sa gamot ko na akala nila ay asthma lang ang meron ako.

Ngayong araw na ito ay muli akong nakaramdam ng pananabik, napag-alaman kong tuturuan ako ni Lito sa paggamit daw ng kutsilyo na laruan lang sa kaniya, balisong daw ang tawag niyon sa tagalog.

Sa una ay hindi niya ako pinahinto hangga't hindi ako nakakatama sa pinakagitna hanggang sa pakitaan niya ako kung paano ang tamang pagbato at paghawak ng balisong.

"Ulit! Isa pa!" pag-uutos niya habang nakapamewang sa tabi ko, ginagabayan ang bawat tira ko pero naninigaw kapag nagkakamali ako.

Humugot ako ng malalim na hininga. Iniangat ko ang isang kamay diretso sa harap ko upang tansyahin ang gitna ng bilog. Nakaangat naman pataas ang kanan kong kamay kung saan may hawak akong balisong.

"Isa, dalawa, tatlo!———" nahinto siya sa pagbilang nang sa pagtira ko na iyon ay diretsong tumama iyon sa pinakagitna.

"Good" tipid niyang pagbati na ikinangisi ko ng kaunti.

Sunod na araw. Pagtitira muli ng kutsilyo ang itinuro niya pero sa araw na ito ay nakapiring ako. Pinaikot niya pa ako ng sampung beses sa tuwing mamamali ako ng tira, lubhang napaka delikado nito dahil sa posible ko siyang matamaan, ngunit alam kong kaya niya namang umilag o saluin kung mapupunta man sa kaniya ang kutsilyo.

Panibagong araw. Ang paglalaro naman ng balisong ang itinuro niya at naging mas madali pa sa akin iyon kaysa sa pagtira dahil sa madali akong makakopya ng galaw.

Kaagad niya na akong tinuruan sa tama namang paggamit ng baril. Hindi ko maiwasang humanga sa bawat kilos ng mga kamay niya sa mabilisang pagkakabit ng bala at pag-asinta, mukhang doon siya mas sanay.

"Kung ito ay mabilis maayos sa paglalagay ng bala, meron din bang paraan para mabilis itong makalas sa loob ng isang segundo?" pagtatanong ko sa gitna ng pagkakabit ko ng bala at pag-aasinta.

Bago pa niya maisagot iyon ay naiputok ko na ang baril. Madali na lang para sa aking makatira sa gitna, ganon daw ako kabilis matuto, hindi na rin ako nagugulat sa tunog ng baril na mismong hawak ko.

"Meron, pero imposibleng magawa iyon sa loob ng isang segundo" sagot niya.

"Pero kaya mo ba akong turuan?"

"Tss, ako pa" pagmamataas niya sabay ngisi.

Kumuha siya ng panibagong baril at nilagyan niya ng bala. Pinababa niya muna sa akin ang baril na hawak ko saka niya inabot sa akin ang kinuha niyang bago.

"Tutukan mo ako" utos niya, ginawa ko naman. "Iputok mo" utos niya muli na ikinatigil ko.

"Are you insane?" kunot nuo kong naibaba ang baril.

"Akala ko ba gusto mong maghiganti? Kung maghihiganti ka sa madugong paraan walang awa ang magaganap, patayan kung patayan, Krist" tumaas ang mga balahibo ko sa kaniyang sinabi, umangat ang sulok ng kaniyang labi.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon