Kampante lang akong nakapungko dito habang nakapangalumbaba. Mabuti at hindi ako ginapos ng dalawa. Nandito kase kami muli sa liblib na lugar kung saan nila ako dinala kanina.
Abandonadong lugar na ito kaya walang napapadaan na tao. Napakatamik ng paligid na nais ko pero katatakutan ng ilan kase nga abandonado ito. Naririnig kong nagbubulungan ang dalawa habang napapalingon sa gawi ko, mukhang ako ang pinag-uusapan. Alam kong hindi pa sila umaalis dito at isinama pa ako kase parang may inaantay pa sila.
Kataka-takang hindi sila nagalit sa akin matapos kong gamitin si Lito sa pagkuha ng pera. Ginagamit nila ako kaya binabalik ko lang sa kanila ang trato nila sa akin ng hindi sila nasasaktan. Masama kase ang manakit ng kapwa, baka lalong madagdagan ang aking mga kasalanan sa mura kong edad. Hindi pa man din ako nakakapagsimba na.
"Matagal pa ba siya? May klase pa kase ako e" nababagot ko ng tanong sa kanila na ikinasabay nilang lingon ulit sa akin.
Nagugutom na rin ako, sila lang ang bumili ng pagkain, hindi nila ako binigyan. Hindi rin naman ako bumili dahil baka sabihin nila na may pera pa ako sa isa kong bulsa kung saan ko nilagay ang pitong libo ko mula sa pagtuturo. Hindi naman nila nanakaw iyon habang tulog ako, makapal kase ang tela na suot ko kahit pantulog ito.
Nasa mukha nila ang muling pagkatigil. Alam ko kaseng makakatakas pa rin ang isang iyon, halatang-halata niyong una ko siyang makita, mukhang sanay sa takbuhan at takasan.
Hindi sila sumagot kaya bumalik na lang ako sa pagkatulala habang nakapangalumbaba. Ilang minuto ang nakalilipas nang makarinig ako ng mabibigat na hakbang sa hindi kalayuan. Ramdam ko na ang presensya niya kahit hindi ko pa nakikita. Siguro ngayon ay wanted na siya.
Nakarinig na ako ng kalabog sa pagbukas ng nakaharang dito kung saan kami nagtatago. Nasapo ko ang nanlilisik sa galit na mga mata niya. Mabibigat ang mga paa niyang mabilis na naglakad papalapit sa akin.
"Lito, hey wait. Stop. Stop. Stop. Calm down" kaagad na pagharang ni Ax sa akmang pagsugod sa akin ni Lito, mabibigat ang paghinga nito at nakakuyom ang mga kamao.
"Tabi" mahihimigan sa tono na pinagpapasensyahan niya si Ax na inaawat siya.
"Tol————" magsasalita pa sana si Ax nang malakas siyang itulak nito dahilan para mapaatras siya ng ilang layo pero hindi natumba.
Nakakailang hakbang pa lang si Lito nang sumunod na humarang ay si James na. Mukhang natigilan siya, iba ang reaksyon ni Lito kumpara no'ng si Ax ang humarang sa kaniya.
"This is not part of our plan" rinig ko pa ring mahina na sabi ni James sa kaniya.
Nagtitigan sila ni Lito sa malapitan, naglalabanan ng tingin na para bang may kuyrente na dumadaloy sa kanilang titigan.
"Talagang kakampihan niyo ang traydor na 'yan!? Nagsumbong ang ta rantado!" idinuro pa ako nito, naparaas ang pareho kong kilay na nababagot silang tinignan. Nalilibang na lang ako'ng panoorin sila.
"Hindi natin siya kakampi para maging traydor, Lito" sagot ni James na muling hinarangan si Lito dahil itinulak rin siya nito pero hindi naman nagpatalo. Iba rin ang dating ng pagkakatawag ni James sa pangalan lang ng lalaki.
Mukhang magkakaaway ang totoong magkakampi. Nangangawit na ako sa pagkakapungko dito kaya naupo ako sa upuan na nandito kung saan nila ako ginapos no'n, pinakros ko ang mga paa ko sa pagkakaupo pati na rin ang mga braso. Diretso silang pinanood lang, nalingon ako ni Ax.
Nag-aalab na sa galit si Lito. Hindi napigilan ang sarili na kinwelyuhan si James na halos maiangat niya na ito sa lupa, doon ko natansya kung gaano siya kalakas kahit hindi siya katangkaran.