Lumulutang na naman ang aking isip tulad ng mga ulap na nasa harap ko habang nakatanaw ako sa bintana nitong sariling eroplano ni Wynn.
Sumasagi sa aking isipan ang mukha ni James matapos kong tanggalin ang tela sa ulo nito. Hindi ko akalain na ang tinuring kong kakampi noon ay magiging kalaban ko na ng tunay.
No'ng magising ako mula sa pagkawala ng malay ay napansin kong wala akong ni isang sugat. Kase kung kalaban nga si James, traydor niya akong sasaktan habang tulog ako o baka nga tapusin pa ang buhay ko.
Naiisip ko rin na baka ginagawa niya ito dahil gusto niya akong magdusa at ipaglaban ang hustisya sa pagkamatay ni Lito, hindi niya pa siguro alam na buhay si Venom. Magaling rin kaseng magplano si Wynn.
Nasa eroplano kami ngayon dahil sa desisyon na nilang ibalik ako sa bansa na tunay kong pinagmulan. Hindi ko tuloy maiwasang mabahala na naman dahil sa magiging reaksyon ng mga taga Imperyo sa aking presensya.
Tungkol pala sa batang pulubi na nakita ko ay napag-alaman ko na pamangkin ni Ernesto si Macy Yalung kaya pinapahanap ko na ngayon ang batang iyon sa aking mga tauhan. May sarili kase kaming tagahanap ng mga impormasyon na nais naming malaman, iyon ay si Mr. Arellano.
Bukod na pinapahanap ko si Macy kung nasaan man siya ngayon, pati ang bayarang babae na tumulong sa akin na makatakas sa bahay ni Ernesto ay pinahanap ko rin para bigyan ng maayos na trabaho.
"What's this?" nabalik ang aking wisyo sa pagtatanong ni Wynn, hawak niya na ang sulat na iniwan ni James.
Sinenyasan ko siyang tignan niya, wala na ring tracking device 'yun. Napatingin rin sa akin, hindi makapaniwalang may sulat siyang nakikita mula sa Prinsipe. Bigla kaseng lumalim lalo ang pag-iisip ko sa nababasa doon.
Let's make a deal. Kapag ako ang mananalo, kukunin ko ang buong trono. Kapag ikaw ang mananalo, maaari mong kunin ang kung ano sa akin.
~LIVE
Simula nang mabasa ko ang sulat na iyan ni LIVE ay kaagadna akong nag-iisip ng hakbang. Higit sa lahat ang unang sumagi sa isip ko kung ako man ang mananalo ay kukunin ko ang puso niya. Gayon pa man hindi magiging madali sa akin na paslangin si LIVE bilang kapalit sa buhay ng aking mga magulang lalo na't hindi naman talaga ako pumapatay.
Alam ko namang hindi maitatama ng mali ang isang pagkakamali, maliban na lang kung ubos na ubos na ang pasensya ko.
Habang nasa eroplano pa kami dahil sa mahaba ang oras ng lipad nito ay hindi ko maiwasang magtanong-tanong muli kay Ahmet.
"Ahmet, bakit ba ginagawa ito ng Prinsipe bukod sa gusto niyang makuha ang trono?" tanong ko.
Humugot siya ng malalim na paghinga "Tulad mo, nais ring maghiganti ng Prinsipe" natigilan ako sa aking narinig.
Maghiganti? Bakit?
Mukhang nabasa ni Ahmet ang aking iniisip kaya nagpatuloy siya "Kabilang sa patakaran ng Imperyo ay ipinagbabawal ang mga anak sa labas" nanindig ang aking mga balahibo, kaagad nakukuha ang sinasabi nito.
Anak sa labas si LIVE?
"Tinuturing na salot ang mga batang pinapanganak ngunit iba ang ina o ama sa mga tunay na napangasawa"
Bakit bata ang pinaparusahan gayong mga inosente pa sila? Hibang na ba ang gumawa ng patakarang iyon? Bakit hindi ang mismong magulang ang parusahan? T angina?
Sa dami ng tanong na aking naiisip ay mas pinili ko pa munang makinig bago humusga agad.
"Nasa mga kanunu-nunuan na naipamana ang batas na iyon kaya kahit sino sa pamilya mo, kamahalan, ang mamuno ay walang lakas ng loob na tanggalin ang patakarang iyon."