Bölüm (八)

136 18 1
                                    

Warning:

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng karahasan at kung anu-ano pang uri sakitan o patayan. Ihanda ang inyong mga puso dahil hindi lang sa kabanatang ito ang mababasa niyong may karahasan.

Dahan-dahan sa pagbabasa, baka ma trigger ang mental health niyo kapag patuloy mong binabasa ang mga stories ko, pero salamat pa rin sa pagsuporta.

___________________

Nakaginhawa rin ng maayos ang Prinsesa matapos maglanding ng eroplano. Halos mahabang oras ang tinagal nilang nakaupo doon bago maayos makababa ang eroplano.

Kahit ganoon ay kompleto naman ang mga gamit at mga pagkain doon, komportable ang lahat maliban kay Pieris na unang beses pa lang naranasang makasakay ng eroplano.

Pagbaba nila sa eroplano ay sumalubong sa kanila ang sangkatutak na mga gwardya, naka uniporme ng pormal. Malayo ang suot nito sa kanilang bansa.

Naninibago sa buong paligis si Pieris lalo na ang temperatura sa bansang ito. Katamtaman ang init, sinasabayan ng hangin.

Napakalawak ng paligid at lubhang napakalaki, pero kung ikukumpara sa laki Imperyo ng mga Erdoğan ay nakakalahati pa lamang ito.

Maraming eroplano at iba't-ibang sasakyang panghimpapawid ang nakakalat kung saan. Nakaramdam ng pananabik ang Prinsesa dahil sa unang beses niya ring makalaya mula sa Imperyo at kasama ang buong pamilya.

"Neredeyiz?" (Where are we?) tanong ni Pieris habang nakatanaw sa kawalan.

"Filipinler'deyiz." (We are in the Philippines) natigilan sa narinig ang Prinsesa, hindi sa sagot kundi sa kung sino ang sumagot. Sinagot ito ni Baris.

Napaisip si Pieris, inaalala kung may nabasa ba siyang libro tungkol sa bansang ito. Naalala niya na sinakop rin ng iba't-ibang bansa ang Pilipinas ng tatlong lahi. Nangunguna dito ang mga Kastila na umabot ng 333 taon ang kolonisasyon. Sumunod naman ang mga Amerikano, na sumakop taong 1898 hanggang 1946 ng dahil rin iyon sa pag-alis ng mga Kastila.

Binili ng mga Amerikano ang mga Pilipino mula sa mga Kastila sa halagang 20 milyong dolyar. Ang huling sumakop ay ang mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilusob ng mga ito ang bansang Pilipinas dahil sa kapangyarihan ng mga karatig bansa at ipagsama ang impluwensya ng Amerika at bansa ng Europa sa rehiyon, naganap iyon sa taong 1942 hanggang 1945.

Ang lahat ng iyon ay naalala ng Prinsesa sa kaniyang binasa kahit napakaraming libro na ang kaniyang binasa.

"Niye ya?" (Why?) takang pagtatanong muli ng Prinsesa, hindi alam ang dahilan kung bakit kailangang isama pa siya papunta dito sa bansang ito.

"Kutlamak" (To celebrate) tipid na sagot muli ng Hari, pinapanood lamang silang mag-Ama ng mga nakatataas habang sila ay nag-uusap. Sila ay naninibago muli.

"Ne kutlanacak?" (What will be celebrated?) puno ng pagtatakang tanong ng Prinsesa. Nangunot bigla ang nuo ni Baris.

"Tabii ki doğum günün, prenses" (Your birthday of course, Princess) may diin sa huling salita na tugon ng Hari. Napakamot sa ulo ang ilan dahil sa biglaang pagkalimut ng Prinsesa sa kaniyang sariling kaarawan.

Ang tungkol sa Pilipinad ay tandang-tanda pa niya ngunit ang kaniyang kaarawan ay nakalimutan niya ng panandalian. Animo'y hindi ganoon kahalaga sa Prinsesa ang araw na ito.

"Ama neden burada?" (But why here?) tanong muli nito.

Napabuga ng hininga ang Hari. Madalang ngang magsalita ang kaniyang anak ngunit kapag kinakausap o magsasalita na, ay hindi ito titigil hangga't wala ka ng maisasagot sa kaniya.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon