Ilang araw na ang nakalilipas magmula nang tuluyang umalis sila Cindy sa lugar na iyon. Hindi na muling lumalabas ng kwarto ang Prinsesa, ni hindi rin pumapasok sa t'wing nagkaklase sa Religion claas kaya hinahatiran na lang ni Jaslyn si Pieris ng makakain at inaasikaso. Kung minsan ay hindi pa pinagbubuksan ang madre.
"Jaspher... Ako ito.. kain na hija" mahihimigan ang pagiging malamya sa boses ni Jaslyn. Kanina pa siya kumakatok sa kwarto ni Pieris ngunit parang wala itong naririnig mula sa loob, nagbibingi-bingihan.
"Jaspher.." napahugot ng malalim na hininga si Jaslyn.
Alam niya ang nararamdaman nito tulad ng sa kaniya, unti-unti niyang namalayan na napamahal na siya sa dalawang bata na kaniyang inaasikaso, tinuturuan at ginagabayan na parang isang tunay na magulang. Ang Prinsesa at si Cindy kase ay nakilala na kabilang sa mga matatalinong bata na naroroon, aktibo sila pagdating sa sagutan sa klase, pero ngayon ay nawala na ang isa.
"Iiwan ko na lang dito ah... magpakabusog ka.. 'Wag mong pababayaan ang iyong sarili, anak"
Iyon ang salitang hinabilin ni Jaslyn, animo'y may ibang pinangangahulugan, naging dahilan upang mapalingon si Pieris sa pintuan na para bang tumatagos ang kaniyang paningin doon.
Maingat na inilapag ni Jaslyn ang pagkain sa tabi kung saan hindi ito madudumihan. Hindi pa man nakakaalis ang madre ay bumukas na agad ang pinto. Kaagad nalingon ni Jaslyn ang Prinsesa at nagbaba ng tingin dito. Nagtama ang kanilang paningin.
Tipid na ngumiti ang madre "Akala ko.. hindi mo na naman ako pag bubuksan" anito.
Nag-iwas lamang ng tingin ang Prinsesa bago binaling ang tingin sa pagkain. Kinuha niya ang tray na inilapag ni Jaslyn kanina saka akmang papasok na muli sa loob at tatalikuran na sana nito ang madre nang may nakalimutan siya.
Nilingon niya muli si Jaslyn "salamat.. binibini.. po.. " parang napipilitan pang sabi ng Prinsesa.
Natigilan ng madre dahil sa pagpapasalamat nito sa kaniya. Iyon yata ang unang beses na may maayos na pananalita ang Prinsesa sa kaniya, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatawa dahil sa nasa hulian pa ang magalang na pananalita nito.
Iyon ang isa sa hinahabilin ni Jaslyn sa klase, laging gumalang, gumamit ng po at opo lalo na ang matutong magpasalamat at humingi ng tawad kung kinakailangan. Ginagawa iyon ngayon ng Prinsesa, habilin rin ni Jaslyn palagi sa mga bata na 'wag mag-aksaya ng pagkain.
Isa sa hindi makakalimutan ni Jaslyn sa Prinsesa ay ang pagtawag sa kaniya ng binibini imbes na sister Jaslyn. Aaminin niyang magalang ang pagtawag niyon sa kaniya kaya isa na rin iyon sa dahilan kaya hindi niya nasasaway si Pieris sa paminsan-minsan nitong pambabara sa kaniya.
"Walang ano man" nakangiting tugon ni Jaslyn. Kahit papaano ay naibsan ang kan'yang panlulumo sa pag-alis ni Cindy dahil naroroon pa naman ang Prinsesa na nakikita niya at nabibisita.
"Ubusin mo ah... Magpakabusog ka" mahinahong habilin muli nito, muli siyang napangiti ng tanguan siya ng Prinsesa. Sumusunod na ito sa kaniya sa mga nagdaang araw.
Akmang isasarana muli nito ang Pintuan nang pigilan ni Jaslyn si Pieris. "Sandali lang hija.. "
Naghihintay ang Prinsesa sa sasabihin nito "Maaari bang d'yan muna ako sa loob?... Kahit mga ilang minuto lang" taka siyang tinignan ng Prinsesa sa sinabi nito.
"Why?"
"Kase..."
Nakatingin lang ang Prinsesa ng blanko sa kaniya, naiinip kakaantay sa sasabihin nito at gusto ng ilapag ang hawak niyang tray.