Bölüm (十七)

89 12 3
                                    

"Oh mga bata dahan-dahan!" wikani Jaslyn sa mga batang binabantayan kasamaang ibang staff dito.

May program kaseng nagaganap sa lugar na ito kada taon. Lahat ay naglilibang, lahat ay nagsisiyahan kasama na doon si Cindy at Jaslyn. Walang bago, nasa isang sulok lamang ang Prinsesa at may hawak na libro nakaupo sa ilalim ng puno.

Nahinto lamang sa pagbabasa ang Prinsesa nang makaramdam siya ng bagong dating. Naiangat niya ang tingin sa kung saan. Siya ang unang nakapansin sa presensya ni Ernesto na pinapanood lamang sila Jaslyn, nagdadalawang isip na lapitan ang madre dahil na rin sa kahihiyan niyang ginawa.

Ngayong araw mismo magaganap muli ang paguusapan nila kasama ang superior. Ang kanilang eksplinasyon at desisyon.

"Cindy... dito ka lang 'wag kang lalayo hija anak!" paghahabol pa ni Jaslyn sa kakulitan ni Cindy.

Nagpapahabol naman ang bata sa kaniya na gustong-gusto ng habulan, tuwang-tuwa habang si Jaslyn napapagod sa kaniya kakahabol. Abala naman ang iba sa pagliliwaliw.

"Cindy! ——————" natigilan at nabigla si Jaslyn na napahinto sa paghahabol nang may biglaang humarang sa daraanan niya dahilan ng pagkauntog niya rito.

"Aray! patawarin ka ng Panginoon!" mabilis na nabigkas ni Jaslyn, daig pa ang nagtongue twister.

Nakakunot ang nuo ni Jaslyn na tinignan kung sino ang humarang ngunit nawala rin ang pagkakunot ng nuo nang maaninag kung sino ang humarang.

"Magandang umaga sister Jaslyn" bati ni Ernesto at pinilit na ngumiti, dumistansya agad. Nadala na sa pagkakasampal sa kaniya.

Ngayon lamang siya nakakita ng madre na ang lakas manampal.

"Anong ginagawa mo dito?" iyon na naman ang pagtatanong ni Jaslyn na animo'y pinapalayas na ang kausap niya.

"Para samahan kang humarap at magpaliwanag—————"

"Hindi na kailangan"

Bastos man na tumalikod sa kausap, wala pang gana ngayon makipag-usap kay Ernesto. Mabilis naglakad papalayo si Jaslyn ngunit kaagad naman siyang sinundan ni Ernesto. Humarang muli sa kaniyang harapan.

"Pero Jaslyn... ako ang may kasalanan... ako ang nagkamali... Ako ang magpapaliwanag para hindi ka matanggal sa pagmamadre" patuloy na pagpapaliwanagni Ernesto.

Magmula nung araw na nagawa niya iyon sa madre ay hindi na naalis sa kaniyang isipan ang buong nangyari, may kung ano sa kaniyang saya na nararamdaman na nahahaluan ng pagka-guilty.

"Bakit.... Bakit mo ginawa 'yun?" napaiwas ng tingin na tanong ni Jaslyn.

"Sorry Jaslyn... nagkamali ako... Naging makasarili ako—————"

"Bukod sa... m-mahal mo pa rin ako.... Ano pa ang intensyon mo sa akin at nagawa mong... ipahiya ako sa harap ng kapwa ko madre?" pahina ng pahina ang boses ni Jaslyn, hindi mabanggit kung paano siya hubaran ni Ernesto nang mabuksan ang pinto sa banyo.

"Jaslyn..." hindi agad nakasagot si Ernesto. Nag-iisip ng tamang itutugon "Sorry... nadamay pa kita sa mga kagaguhan ko.. Hindi ko intensyon na ipahiya ka..."

"Sinadya ko 'yung gawin Jaslyn, dahil...dahil.. " nanlaki ang mga mata ni Jaslyn sa patuloy na pagpapaliwanag ni Ernesto. Hindi makapaniwalang sinadya iyong gawin sa kaniya ni Ernesto.

"Jaslyn... alam mong noon pa man gusto ko ng magkaroon ng sariling pamilya kasama ka... Jaslyn... kailangan kita... Oo nagkamali ako pero.." paliguy-ligoy pa nitong pagpapaliwanag, panay ang pagkakamotng batok.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon