Bölüm (十六)

90 13 3
                                    

"Naku, paano na 'to!? Hindi pwedeng makulong kami ditong dalawa! Panginoon ko! Nakakahiya! Parang naubusan na ako ng dignidad sa lagay na ito!"

Pagkausap ni Jaslyn sa sarili habang pilit sinusuksok ang sarili sa likod ng timba at sa pwede niya pang pagtaguan. Napapikit siya ng mariin nang muling niyang naalala ang pangyayari kung saan nakita na ang lahat sa kaniya. Napailing siya, pilit binubura sa kaniyang isip kahit hindi na ito magawan ng paraan upang makalimutan.

Patuloy na pinipihit ng marahas ni Ernesto ang pintuan, hindi niya winasak dahil sa baka may makakita sa kanilang dalawa na nasa iisang banyo habang nakatapis lamang si Jaslyn. Yari silang pareho kapag nangyari iyon lalo na't madre si Jaslyn.

Paulit-ulit na nagdasal ng tahimik si Jaslyn sa kaniyang pwesto na sana ay walang kung ano na mangyari na ikapapahamak niya bilang madre. Wala pa man ay humihingi na siya ng tawad sa Panginoon sa pagiging burarang babae.

"L*ntik! Ang tigas buksan! Para namang kinandado ito ng daan-daang padlocks!" reklamo ni Ernesto at inis na nahampas ang pader na ikinaigtad ni Jaslyn sa gulat.

Natinag sa mukha ngayon ni Ernesto, makikita ang pagkainis nito, iyon ang mukha ng dating Ernesto na nagpasuko sa kanilang relasyon noon. Mabilis maubusan ng pasensya.

"Tumawag na lang kaya tayo ng tulong?—————"

"HINDI! GUSTO MO BANG MAKITA NILA TAYONG DALAWA LANG ANG NANDITO AT GANYAN PA ANG AYOS MO!?"

Natuptop agad ni Jaslyn ang kaniyang bibig sa gulat na sinigawan siya ni Ernesto, salubong na salubong ang mga kilay nito. Napayuko na lamang si Jaslyn, naging dahilan para matigilan si Ernesto na hindi namalayan ang sarili na nalingon niya na pala si Jaslyn, mabuti na lamang at nakatago ang katawan nito sa timba.

Pareho silang natahimik. Nag-iwas ng tingin si Ernesto, napabuntong hiningang napasandal na lang sa pintuan.

May bintana doon ngunit mahirap naman makadaan, baka mabagsakan pa ng jalousie ang kung sinong dadaan doon.

"e... Anong... gagawin natin ngayon?" nanlulumong tanong ni Jaslyn, na parang doble meaning na iyon para kay Ernesto. Lalo itong nag-iwas ng tingin kay Jaslyn sabay lunok.

Napabuga ng hininga si Ernesto, "Ewan ko rin... Wala bang ibang kagamitan dito upang pangbukas nitong pintong ito?" mahinahon na muli ang pananalita niya.

Parehong nagkakahiyaan ang dalawa, kahit may relasyon sila noon hindi pa kailanman nila nagagawa ang bagay na iyon. Simpleng dampi lamang ng halik sa isa't-isa at mainit na yakap.

Nailibot naman ni Jaslyn ang kaniyang paningin, naghahanap ng pwedeng gamitin para sa pagbukas ng sirang pintuan.

Kaunti lang ang gamit sa banyong iyon bukod sa gamit panligo, timba, tabo at planggana ay wala ng iba pa. Nahinto sa paghahanap si Jaslyn at aksidenteng nadapo ang tingin kay Ernesto, nahuling pinapanood siya. Kaagad silang nagkaiwasan ng tingin muli.

"Ahm... may card ka ba d'yan?" Maya't-maya'y tanong ni Jaslyn, nakaisip ng paraan.

Kinuha niya ang damit niyang hinubad kanina bago itinakip sa kaniyang harapan, maikli lang kase ang tuwalyang tumatakip sa katawan.

Kinapa ni Ernesto ang kaniyang bulsa kung may dala ba siyang kung anong maihahalintulad sa card. May wallet sa kaniyang bulsa, nilabas niya ito at naghanap doon. Bukod sa pera at barya ay may nakita siyang isang credit card niya. Nailabas niya iyon.

Wala sa sariling nabuhayan ng loob si Jaslyn dahilan para ganoon siya kabilis nakalapit kay Ernesto at inagaw iyon.

"Ito, subukan nating sungkitin ang gilid ng pintuan gamit 'to, baka gumana" nagmamadaling anito saka pinatabi si Ernesto at siya ang sumungkit doon sa pintuan, parang saglit na nakalimutan na nakatapis lamang siya.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon