Warning!
This chapter contains violence. Please read at your own risk.
Baka hindi kayo makakain ng maayos sa mga mahihina ang sikmura d'yan. 'Wag akong sisihin kung maapektuhan ka ng dahil sa kabanatang ito. (-_-)
May patayan sa kabantang ito, dude.
___________________________
October 31, 2005
Huminto ang humaharurot na limousine dahil sa humarang at pumalibot sa kanilang daanan. Lumalakas ang ulan.
Sa kabilang dako.
Umuulan rin sa Imperyo sa kapal ng namuong usok na nagmumula sa sunod habang pinagtutulungan itong patayin ang apoy na gawa ng mga tauhan ng mga Liu. Unti-unting nabawasan ang mga tauhan ng mga Erdoğan. Nagkalat ang mga bangkay at mga dugo mula sa kinuha na buhay.
Mabalik sa isang gawi.
Sabay sabay na nagsibabaan ang mga naka sakay sa motor. Sabay sabay din nilang inalis sa lalagyanan ang mga espada nila, kasabay nun ang pagbaba ng isa pang tauhan sa magarang kotse na humarang. Saka s'ya may pinagbuksan sa kabilang banda ng kotse, awtomatiko n'yang binuklat ang hawak niyang payong na pinayukan ang isang lalaki na si Evilyxidious.
"ah.. tekrar karşılaştık" (ah.. we met again) nakalitaw ang pagngisi ng Prinsipe habang tumatagos ang tingin sa salamin ng limousine na sinasakyan ng Pamliya.
Wala pang ginagawa ang tauhan ng mga Liu, katahimikan sa mabagyong pangyayari. Hinihintay na isa sa kanila ang lubas sa sasakyan.
"Majesteleri!" (Your Majesty!) halos sabay na pasigaw na tawag ng magkakapamilya nang walang pasabing naglakas loob ang Emperador.
Bilang mas nakakataas, tungkulin niyang protektahan ang kaniyang pamilya kahit ano pang mangyari.
Nabahala ang lahat sa ikinilos ng Emperador. Ganoon man kabigat ang tungkulin nito ay hindi pa rin siya maaaring mawala dahil ikamamatay rin ng kanilang bansa ang mawalan ng matinong pinuno sa Imperyo.
Sabay-sabay na tinutukan ng espada at baril ang matandang lalaking. Sa pagtutok sa kan'ya ng mga sandata ay awtomatikong may panibagong lumabas na naman sa sasakyang iyon.
Sumunod na naglakas loob na lumabas ay ang Ina ng Hari at ng dating Prinsipe. Ang Emperatriz.
Mula sa loob ng magarang sasakyan ng dating Prinsipe ay natinag ang Emperador ng mga Liu nang makita muli ang mukha ng Emperatriz na kaniyang ginahasa noon kaya nabuo si Evilyxidious. Sarkastiko itong natawa sa kawalan sabay higop ng tobacco na hawak. Muling nanood sa mangyayaring palabas.
Sa tinginan pa lang ay naglalabanan na sila. Pamilyang Erdoğan laban sa dating Prinsipeng tagapagmana at sa tauhan ng mga Liu. Sa dami pa lang ng bilang ng kalaban ay lugi na sila.
Maaaring ang isa sa kanila ay pwedeng mapahamak o baka silang lahat ay mawala.
Ganoon katatapang ang dugo ng mga Erdoğan, walang pakialam kahit magkapatayan. Mapababae man o mapalalaki ay kayang isugal ang kanilang buhay upang matupad ang kanilang tungkulin sa buhay.
"M-Majesteleri!.... N-nereye gidiyorsunuz?" (Y-Your Majesty!.... W-where are you going?) sa takot ay nanginginig na ang Reyna at wala sa sariling hinablot pabalik ang asawa nang akma itong tatayo matapos alisin ang seat belt.
Nalingon ni Baris si Perrie at napasulyap sa kamay nitong pumipigil sa kaniyang bumaba ng limousine. Sa tingin pa lang ng Reyna sa kaniya ay makikitang nagmamakaawa na ito na 'wag silang iwan ng kanilang anak doon sa loob.