Nang makapagpaalam ang stepfather ko sa mga kasamahan niya kanina sa sugalan ay mabilis ako nitong kinaladkad, diniinan pa ang pagkakahawak sa braso ko. Kahit masakit ay natitiis ko naman tutal sanay na ako sa sakit sa katawan.
Pumara siya ng tricycle at pilit akong pinapapasok sa loob, nauntog pa tuloy ako sa pagkakatulak niya papasok sa akin bago siya nagback ride. Gusto ko siyang batukan sa pagkakaumpog ko kaso pinigilan ko ang sarili, baka masira pa ang plano.
Nakiramdam ako sa buong paligid, kita ko pa ng isa kong tauhan na nagpapanggap lang na napadaan. Nagtanguan kami. Palagi na silang nasa paligid para sa aking kaligtasan, hindi sila lalapit hangga't walang senyas ko.
Habang umaandar itong tricycle ay malalim ang aking iniisip habang nakakros ang mg braso at kalmado lang na nakaupo dito sa loob.
Naiisip ko na naman si Piercy. Mas naiisip ko pa ang sitwasyon niya kaysa sa akin na mukhang makakaramdam na naman ng sakit sa katawan mamaya. Napakainosente ng batang iyon at hindi mahirap pakisamahan, nauuto ko pa nga na akala niya ay nagseseryoso ako. Hindi niya alam isa rin akong tarant ado, abnoy na Prinsesa.
Ikakasal si Piercy kung tuluyan ko ng mahuhuli ang kaniyang ama, upang hindi na kami mahirapan pa sa pagtatago sa kapatid ko. Nakapag-usap na rin kami muli noon na papayag daw siya sa nais kong mangyari. Ang dali niya kausap kahit tatay niya mismo ang parurusahan, kase daw hindi makatarungan ang ginawa nito sa aming mga magulang lalo na kay ina.
Nga pala, halos dalawang taon akong nanatili doon sa Turkey. 17 years old na ako ngayon at magi-eighteen ngayong taon.
Dumaan ang aking kaarawan ng hindi ko ipinagdidiwang, pagod na akong maalala ang aking nakaraan. Parang nakakalimutan ko na rin mismo ang eksaktong araw ng kaarawan ko, binaon ko na kase sa hukay.
Kailangan rin kase ng mahabang panahon para sa pagpapagamot ko para naman hindi ako agad matigok kapag gagawin na namin ang delikadong plano.
Nabalik ako sa wisyo nang sandaling huminto ang sinasakyan namin, ramdam ko ang pagsunod sa amin ng aking mga tauhan, mukhang nagtatago na naman sila ngayon sa tabi-tabi.
"Baba" utos nito.
Nang walang emosyon ko siyang tignan ay natigilan siyang pinagmasdan ang mukha ko, saka unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya. Itinulak niya ang ulo ko gamit ang daliri niya.
"Ano, ilang taon ka lang nawala, nabingi ka na!?" nagsimula ang paninigaw niya.
Nang hindi ako sumunod agad ay muli niya ako marahas na hinila palabas, sinubukan niya pa akong itulak pero hindi ako natumba, hindi tulad dati na mabilis akong matumba.
Muli kong inilipat ang blanko kong tingin sa kaniya, kita ko ang muling pagkatigil niya. Nagsalubong na naman ang kaniyang mga kilay saka ako malakas na sinampal.
Napalingon lang ako sa aking gilid sa pagkakasampal niya, parang bigla akong nabingi sa lakas niyon.
"Pera"
Inilahad niya pa ang kamay niya sa harap ko, nagbaba lang ako ng tingin doon saka ulit siya tinignan ng diretso. Nakokontrol ko na ang emosyon ko para maalala ang naging trauma ko.
"Sinabing———"
"p're, matagal pa ba 'yan?" parang naiinip na ang driver dahil hindi pa siya naaabutan ng bayad.
"Sandali, magantay ka!" inis na hasik ni Ernesto sa driver, nangunot pa ang nuo nito dahil pati siya ay nasigawan.
Akmang hihirit pa ang driver ng ikinagulat nitong maglabas ng baril ang stepfather ko. Kanina ko pa 'yun napansin na nakasuksok sa gilid niya.