Bölüm 三十六

84 12 7
                                    

Panay ang atras naming dalawa. Parang pipigain na ni ate Betty ang braso ko sa pagkakakapit niya sa akin, tinitiis ko na lang ang sakit doon dahil may bakas pa ako ng pagkakagulpi sa bandang iyon.

"K-Kristy. Kristy..." panay ang alog niya sa braso ko, natigilan kong pinagmasdan ang mga mata niyang nanunubug ito habang pilit lumalayo sa mga kalalakihan.

"Pare mukhang siniswerte tayo dito, parehong chix ang dating." wika ng unang lalaki sabay palitan ng tingin sa aming dalawa.

Lumaki ang pagkakangisi nilang apat.

"Hey beybi gurls" saad naman ng ikalawang lalaki sabay hakbang papalapit at dila sa kaniyang labi.

"Ew" nandidiring natatakot na sabi ni ate Betty dahilan para matigilan silang apat bago nagtawanan.

"pare iw daw oh HAHAHA" tawanan nila.

"ay gusto ko 'yan.'Yung pakipot sa umpisa. Pare akin na 'to" sabi naman ng ikatlong lalaki saka tinuro si ate Betty.

Abala ako sa paghahanap ng daan para takasan namin pero mukhang pinalibutan na kami nito.

"Oh 'wag mong solohin, hati tayo sa isang 'yan. P uta pare ang lusog ng isang 'to" ani ng ikalawang lalaki saka naglalaway na sinulyapan ang dibdib ni ate Betty, paano kase nakasando lang siya.

Napatago tuloy nang wala sa oras si ate sa aking likuran na dapat ako ang gumagawa dahil mas matanda siya sa akin.

"Pare akin naman 'tong tisay" baling ng unang lalaki sa akin. Sanay na akong tinatawag ng ganoon ng ilang mga tao dito, tisay daw ang tawag nila kapag may lahi.

"Bata pa yata 'yan pre" - ikalawang lalaki.

"Baka beybi pes lang, ang tangkad naman kung bata pa 'yan" ikaapat na lalaki.

"Ano na, tirahin na natin? Mukhang masasarap ang mga' 'to" saad ng ikauna.

Ramdam ko ang panginginig sa takot ni ate Betty. Pati ako ay parang maiihi na rin sa kaba, sana lang ay huwag akong atakihin ng asthma dahil kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko lang pinapahalata.

Pati ako ay napapahakbang paatras at panay ang iwas nang marahan silang humakbang pa papalapit, mala demonyo pa silang nagtawanan habang nag-uusap ng malalaswa.

"Bilisan na natin, basta nagkahati na tayo ah"

"Tara na"

Malalaki na at mabibilis na hakbang ang ginawa nila sa paglapit sa aming dalawa na pinalibutan nila. Sumisiksik lalo si ate Betty sa akin na kulang na lang ay simutin ang kili-kili ko.

"Sis! A-ano na! Kristy! Kristy!—————" napapatili na si ate sa pagkakataranta at doon pa lang ay may ideya ng pumasok sa isip ko.

"Mga pare" bigla akong nagsalita na ikinahinto nilang apat. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi ni Lito sa akin pero masubukan nga.

Mukhang hindi nila narinig ang boses ko niyong bumibili ako base sa reaksyon nila ngayon.

"pwede bang makidaan, paharang-harang kase kayo" malalim ang boses ko sa mga oras na ito pero mas lalo ko pang nilaliman at pinatunog na lalaki, kita ko ang pagkagulat nilang apat. Muling napaatras.

"De p uta! Bakla yata ang isang 'to!" nagugulat na hasik ng ikaapat.

Naging dahilan iyon para mapangisi ako sa kanila dahil tama nga ang tawag sa akin ni Lito, kaya siguro tinatawag niya akong bakla dahil mukha akong babae pero boses lalaki ako. Ramdam ko ang titig ni ate Betty sa akin, mukhang nagulat din sa ginawa ko.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon