Bölüm 四十九

114 13 11
                                    

Walang sino man ang nakapansin sa palihim kong pagpabalik muli sa INFERNO. Sa mismong bintana sa aming kwarto ako dumaan kung saan din sila dumadaan sila James kapag sila ay may mga tama.

Doon ko lang napansin na may marami palang pwedeng daanan sa labas kahit nasa ilalim ng lupa ang misteryosong building na ito. Ganoon nila pinakatatago ang lugar na ito kaya maraming paraan para makakuha sila ng natural na hangin at kuryente.

Dito lang din siguro sa lugar na ito ang pinakamababang rooftop ng building. Para kaseng nasa first floor lang ang rooftop kung sa labas titignan kahit 12th floor pala iyon.

Ngayon ay kaharap ko muli ang mga kalahok. Hindi lang kalahok, kundi pati na rin ang buong mga tauhan dito. Nakapwesto na rin muli ang mga opisyal at iba pang tagabantay.

Marahan at kalmado lang ang kilos ko na hinubad ang pagkakasuot ko sa bag na itinabi ko pa ng maayos sa pinakagilid ng napakalaking ring pero walang harang, marka lang kase ito na mukhang kaaalis lang ng bakal na harang dahil sa katatapos lang ng laban kanina. Bumalik ako ulit sa gitna.

Nag-angat ako ng tingin kay Boss na nakaupo sa kaniyang pwesto na para bang isang trono. Diretso lang din ang tingin niya sa akin dito sa baba.

Aksidente kong nabalingan ng tingin ang lalaking nakatayo sa tabi niya, sa tingin ko ay iyon ang pumalit daw na pinuno ng mga gwardya dito at hindi ko alam saan na napunta iyong pinuno na pasimuno sa pagpaparusa sa akin nuon dahil sa maling bintang.

"Fifteen men" wika ko, siniguro kong maririni ni Boss iyon.

Mukhang ang ilang nakarinig ay nagkagulatan pa sa sinabi ko. Nagkatinginan pa dahil sa gusto kong makalaban ang kinse na mga kalahok na andidito. Parang natatawa pa ang ilan sa sinabi kong paghahamon. Alam kong lahat ng mga kalahok dito ay bihasa sa pakikipaglaban hindi rin sila mga normal na barumbado lang.

Ngayong araw pa naman ito ang araw ng aking laban kung saan nakatakda ako kanina na labanan si Venom, kaya ngayon nakiusap ako mismo kay Boss. Pinuntahan ko siya kanina sa opisina niya, kaya ganoon na lang nila ako harangan kanina sa gulat nila kung bakit pa daw ako nandito ulit gayong pinalabas na ako kanina matapos ang laban.

Iniangat ni Boss ang kamay niya bilang pagsenyas. May nag-anunsyo para isa-isang papwestuhin ang labing limang kalalakihan paikot sa akin.

Pumwesto na ang lahat at pinalibutan ako saka naghanda sa pag-atake ng sunod-sunod.

Para sa'yo ito kuya.

Nalingon ko ang timer, pinindot na iyon para mag-umpisa sa pagbibilang.

"HAAA!!———"

May nangunang sumugod sa akin bago sumunod ang ilan pero nakakailang hakbang pa lang ito nang hindi niya agad napansin ang suntok ko sa panga niya sabay siko sa dibdib niya at sinipa ang tuhod niya, narinig ko pa ang pagkabali ng buto nito.

Isa.

Nasalo ko sunod ang kamao ng may panibagong mabilis na sumugod at kasabay niyon ang pagbaligtad ko ng kamay niya. Niyupi ko pa ito pabaligtad rin dahilan para lumabas na ang kaniyang buto sa may harapang siko. Sabay tira ng leeg niya.

Dalawa.

Kaagad kong tinamaan ng braso ko ang dibdib ng sumunod na lumapit. Mabilis kong kinuha ang braso nito saka pinatalikod sa gawi ko. Kasabay nang pagtuhod ko ng malakas ang likod niya ay ang pag-ikot ko ng braso ko. Nanlambot iyon bigla dahil naalis ang pagkakaayos ng buto niya.

Tatlo.

May dalawang papasugod sa magkabilaan kong gilid. Walang kasing bilis kong sinakop ang mga leeg nila at pareho kong sabay na pabagsak na pinahiga. Tumalon ako, ang isa kong paa ay tumama sa mukha ng isa, ang isa ko pang paa ay tumama sa t'yan ng ikalawa.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon