Bölüm 四十四

86 13 9
                                    

Patuloy ako sa pagpupumiglas habang walang awang pinagpapalo ng tubo ang aking katawan. Paulit-ulit na binubuhusan ng tubig. Nagtatatakbo sa kung saan. Hindi ko alam kung nasaan ako. Ako ay naliligaw.

Mga sigawan sa paligid at iyakan. Umaapoy ang mga puno't halaman. May dugong dumadanak. Halos mamilipit ang leeg ko sa kakasigaw pero walang sino man ang nakakarinig. Patuloy ako sa pagtakbo, paiba-iba ang lugar na nakikita ko hanggang sa mapunta ulit ako sa isang gubat. Isang pamilyar na gubat, nakikita ko ang sarili na kalong si Mama.

Walang hintuan na umaagos ang aking mga luha. Sinubukan ko muling sumigaw ng tulong pero nawala ang boses ko. Paglingon ko sa aking likuran ay iba na naman ang paligid, hindi ko na makita si Mama.

Bumalik ako sa bahay kung nasaan ang stepfather ko. Paghila niya ng buhok ko ang nakapagpasok sa akin sa loob. Binabalibag ako sa kung saan, patuloy akong sinasaktan.

Hanggang sa hindi ako makatiis ay kusa akong bumangon na ikinahinto ng stepfather ko sa pambubugbog. Umaapoy ang aking paningin na tinitignan siya, ikinagulat ko nang unti-unting magbago ang kaniyang itsura.

Naging si LIVE.

Nanlaki ang mga mata ko at kaagad nakaramdam ng takot pero sa isang hakbang niya papalapit sa akin ay mabilis kong sinuntok ang dibdib niya. Walang emosyong dinukot ang kaniyang puso.

Napatitig ako sa hawak kong puso niya na tumitibok pa. Paglingon ko muli sa gawi ni LIVE ay naging Ernesto muli ang mukha nito na may hawak pang kadena.

Bumalik muli ang takot kong naramdaman. Ilang beses akong umatras ngunit sa isang iglap isang kalapastanganan ang aking nasaksihan.

Pinupunit niya isa-isa ang aking suot na damit habang ako ay nagpupumiglas na nakahiga sa malamig na sahig. Nagsisisipa. Humahagulgol sa pagluha.

Tama na! S-Sir! Tama! Parang awa mo na! Please! Sir! Sir!

Ngayon lamang ako nagkaroon ng boses habang nagpupumilas sa ginagawa niya hanggang sa pumaibabaw siya sa akin.

Hayop ka! Tama na! Sir! Maawa ka! Tama na! Sir!

"T-tama na... Sir.. p-please. Tama na!" patuloy ako sa pagpupumiglas pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan, para akong nakakadena.

"Krist, hey"

"Hoy kigwa gising!"

May naririnig akong pamilyar na mga boses, patuloy lamang ako sa paglalaban.

"A-ayoko, ayoko-----"

"Krist!" parang naalog ang mundo ko nang may umalog sa aking mga braso animo'y ginigising ako.

Humahagulgol akong kaagad bumangon dahil may nakita akong tatlong rebulto sa harap ko pero kaagad ring napahiga ulit sa sakit ng aking buong katawan lalo na sa mga binti ko.

Nanginginig ang mga kamay kong pinagmasdan silang alisin ang mga telang tumatakip sa mga ulo nila. Unti-unti akong huminahon nang sumilay ang mga mukha nila sa harap ko. Sila Lito, James at Ax.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita sila, ang tanging nais ko ay umalis na lang sila.

Nagbaba ang tingin ko sa bitbit ni Lito. Ang bag ko. Hindi pa man ako nakakabawi ay tinulungan akong makabangon nila James at Ax. Bigat na bigat ako sa katawan kong halos hindi ko na maigalaw sa pamamanhid.

May inilabas na mga gamot doon. Kabilang doon ang mga gamot ko, natigilan ako dahil sa mukhang alam na nilang ginagamit ko ang mga iyon hindi lang sa asthma ko. Taga flashlight si Ax, patuloy sa pag-alalay sa akin si James. Inalis pa ang nakaharang na hibla ng buhok ko sa mukha, inalis ko kase ang tela sa ulo ko upang makahinga ako.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon