Warning: Violence
__________
"Majesterleri!"
Naghahabol sa paghinga si Pieris nang mapabalikwas ng bangon. Nagising mula sa isang bangungot, isang masamang panaginip na nagpaluha at nagpasigaw sa kaniyang pagtulog.
Nailibot niya ang kaniyang paningin, inaakalang kasama niya na ang Reyna ngunit muli niyang natagpuan ang sarili na mag-isa sa madilim na kwartong ito. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha pero hindi na maawat ito dahil sa kaniyang panaginip na nagpatiwakal raw ang kaniyang Ina matapos sabihin muli ang habilin sa kaniya.
Bigla na namang nanikip ang kaniyang dibdib at naghahabol ng hininga. Nagmamadali niyang kinuha ang nebulizer at ginamit iyon, doon huminga ng maayos. Yakap niya ang sariling tuhod mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama at patuloy na lumuluha, wala namang ibang makakarinig sa kaniyang pagluha lalo na't mag-isa lang siya.
.
.
.Tulala ang Prinsipe na tinititigan ang tinatakpan na bangkay ng Reyna. Kuyom na kuyom ang mga kamao, pigil ang kaniyang luha. Pinangakuan niya ang kaniyang sarili na huwag magpakita ng kahinaan.
Hindi alam kung matutuwa ba siya dahil sa nagkaroon sila ng anak na lalaki sa babaeng minahal niya o magrerebelde muli dahil sa ginawa ng Reyna sa kaniyang sarili.
Buong magdamag nagpakalasing ang Prinsipe. Nagpakalunod sa alak at sigarilyo. Pinaghahagis, pinagsusuntok at pinagbabasag ang mga gamit na naroon sa kaniyang silid. Nagsisisigaw sa paghihinagpis at emosyon na kaniyang nararamdaman kasabay niyon ang walang tigil sa pag-iyak ni Piercy na kanilang anak.
Abala ang mga lingkod sa pag-aasikaso sa sanggol, naghanap na rin ng uri ng gatas na mula sa ina. Sa mga oras na iyon ay inilalayo muna nila ang sanggol sa sarili nitong ama dahil sa ugali nito ngayon. Baka mapatay pa niya ang sarili niyang anak, wala na sa katinuan ang Prinsipe.
.
.
.
."Siya ba 'yung bago?"
"Mukhang siya nga"
"Dumadami na tayong mga napabayaan ng mga magulang"
"Tsk. Tsk"
Mga bulungan na maririnig sa ibang mga kabataang narito. Dalawang taon na ang lumipas magmula ng mamatay ang Reyna at dalawang taon na ring naghihintay ang Prinsesa sa pagsundo sa kaniyang Ina.
Sa dalawang taon na iyon, wala pa ring nakakaalam ng tunay na pangalan ng Prinsesa o maski ang kaniyang kaarawan na may pagkakataong nakakalimutan niya na rin kung kailan ang araw na iyon dahil sa masalimuot na pangyayari.
Na-ibaba ni Pieris ng bahagya ang librong tumatakip sa kaniyang mukha, sinilip kung sino na naman ang pinag-uusapan ng mga kabataan dito, at mukhang hindi siya iyon.
Bali-balita kase na may panibago na namang kinupkop sina Jaslyn at batang babae rin daw. Ngayon, ang batang babaeng pinag-uusapan ay nakayuko itong naglalakad habang may hawak na tray at may laman na pagkain niya, naghahanap ng mauupuan.
Palihim itong nasundan ng tingin ni Pieris hanggang sa mabaling ang tingin ng bata sa kaniyang gawi, kung saan nakapwesto siya sa pinakadulo at siya lang ang mag-isa upang hindi siya masyadong maingayan.
Mabilis na nagbaba ng tingin ang Prinsesa sa kaniyang librong hawak, nagpatuloy sa pagbabasa habang kumakain ng mga gulay.
Nasanay na rin siya sa uri ng pagkain dito, nawalan na siya ng pakialam sa mga nangyayari sa kaniya dito, ang importante sa kaniya ay kung kailan niya makakasama ang kaniyang ina na inaakala niyang buhay pa.