Inililibot ni Pieris ang kaniyang paningin. Pinagmamasdan ang paligid sa lugar na napuntahan nilang ito. Ang tinutukoy nilang paaralan kung saan nagtatrabaho ang kaniyang tinuturing ngayon na Ina.
"Kristine Jaspher Corpuz" pagbanggit ng isang guro na nasa harap nila ngayon.
Nagpalitan ang tingin nito sa tatlo. Nagtataka kung bakit naka lagay sa papel ay anak ni Jaslyn ang kilalang Kristine Jaspher Corpuz gayong hindi sila magkamukha.
Mapapansing may kakaiba sa pagkakafill-up sa form ng Prinsesa kaya medyo kabado ngayon si Jaslyn. Alam niya kase na ang mga ipinasang dokyumento ay lahat peke. Alam niya ring ilegal iyon na i-peke lahat ng pagkatao ni Pieris upang hindi sila magkaproblema sa pag-ampon nito at sa pagpapaaral sa kaniya. Idea iyon ni Ernesto.
Ang nakalagay naman sa form kung sino ang ama ni Jaspher ay unknown. Ipapalabas kase nila na stepfather ng bata si Ernesto habang biological mother ni Jaspher si Jaslyn. Ipapalabas na nagkaanak si Jaslyn mula sa isang banyaga at kunware ay pinanagutan iyon ni Ernesto.
Ginawa nila iyon dahil sa may record na noon sa pagkakakulong si Ernesto sa ilegal na trabaho at ilegal na droga. May tinatago at tinataguan si Ernesto nang hindi nalalaman ni Jaslyn noong nakalaya ito sa kulungan, kaya porsigido itong magpeke ng mga dokyumento.
Gayon pa man ay napapaisip pa rin ang guro na nasa harap nila. Iniisip na lang din nito na baka nakuha ni Jaspher ang mukha niya sa banyaga nitong Ama at hindi kay Jaslyn. Napakibitbalikat na lang ito dahil sa hindi niya naman resposibilidad alamin ang bagay na iyon.
"May anak ka na pala Miss Corpuz?" ani ng guro kay Jaslyn, teacher si Jaslyn sa lugar na iyon kaya kilala na siya doon.
Habang abala sila sa pag-uusap ay hindi nila napapansin ang Prinsesa na tumayo sa kinauupuan. Dahan-dahang naglakad papunta sa pinto ng opisina, sumilip sa nakaawang na pinto. May napansin kase ito at may narinig ring mabibilis na mga yapak.
Nalingon ni Pieris muli ang gawi nila Jaslyn bago pasimpleng nakalabas ng tuluyan.
"Huy gago tol antay!"
"Bilisan mo, nag-aantay si James sa atin sa gate tarantado!"
"Tangina mo, sandale lang nga kase 'yung sintas ko!"
"Ulol sa lahat ng nagka-cutting ikaw ang tatanga-tanga. Tss"
Naririnig ng Prinsesa na may nagtatalong pabulong sa kung saan, mga boses ng dalawang lalaki. Ang ilan sa usapan nila ay hindi maintindihan ng Prinsesa, may panibagong mga salita na naman siyang narinig gaya ng gago, tol, tarantado, tangina, ulol, tatanga-tanga, tss.
Nakuryoso si Pieris kung saan nanggagaling ang mga boses na iyon kaya sinundan niya ito hanggang sa muli siyang napatago sa isang pader nang makakita siya ng dalawang lalaki na pareho ang suot na uniporme. Halos kasing tangkad niya lang ang mga ito o mas matangkad siya ng kaunti pero mukhang mas matanda sa kaniya ng isa o dalawang taon lang.
"Sandale tol" pagpapahinto ng unang lalaki sa kasama nito.
Kabadong nagtatago pa rin ngayon ang Prinsesa upang hindi siya makita ng mga ito. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit siya nagtatago kaya nagdadalawang isip siya ngayon kung lalabas at dire-diretso lang na maglalakad paalis o magtatago hanggang sa lumayo ang dalawang lalaking iyon.
"Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?" wika ulit ng batang lalaki.
Tahimik silang nakiramdam saglit sa paligid. Pinapakinggan kung may kakaiba pa silang tunog na maririnig, pinapakiramdaman kung may ibang taong naroroon.