Bölüm 五十六

135 14 13
                                    


Napuno ako ng pagtataka habang sinusundan siya ng tingin na naupo sa isa pang upuan paharap sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha.

Parang nagiging awkward na ang katahimikan lalo na't punit-punit ang suot ko, tanging bra ko na lang ang maayos sa suot ko habang tinatakpan ko ng unan ang katawan. Huminto na rin kase ako sa pagluha kanina pa.

Hindi na ako magtataka kung paano niya natunton ang lugar na ito, paniguradong sinabihan siya ni LIVE sa pagiging tauhan niya.

Nalingon ko pa ang stepfather ko na tulog na tulog, nakakatulong rin ang kalasingan niya para mapahaba pa ang kaniyang tulog.

"Sulat" pagbasag ko sa nakabibinging katahimikan.

Alam kong nandidito lang naman siya para maghantid ng sulat, ang ikinabibigla ko ay ang ginawa niyang pagligtas sa akin. Sumagi tuloy sa isip ko kung ilang beses niya na akong niligtas at pinagtanggol sa taon na pinagsamahan naming apat noon. Ngunit, iba na ang sitwasyon namin ngayon.

Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita, isa sa ipinagtataka ko kung bakit inalis niya na ang takip sa mukha niya gayong paniguradong bawal sa kanila.

"Asan na?" wika ko pa dahil sa tinitigan niya lang ako, parang may malalim siyang iniisip. Animo'y may gustong sabihin pero hindi masabi sa harap ko.

Nag-iwas siya ng tingin sabay iling "Walang sulat na pinapahatid si Master" tugon niya. Mukhang si LIVE ang tinutukoy na Master.

Bakit pa siya nandito kung walang sulat na pinapabigay?

"Ano pang ginagawa mo dito kung gayon? Pwede ka ng umalis" pagpapaalis ko na agad, kalaban nga alangan namang imbitahan ko pa siyang magtsaa muna hindi naman ako friendly tulad ni Ahmet.

Nag-iwas siya muli ng tingin na lumipat ang tingin kay Ernesto.

"Bakit ka kase nakatira pa dito? Hindi ba may sarili ka ng mansyon?" tanong niya, iniiba ang usapan.

Pinag-aaralan ko ang kilos niya, nag-iingat lang baka kase mamaya may ibang intensyon ang ga gong 'to sa akin. Baka rin may sulat pala talaga siyang dala at may nakadikit na recorder doon.

Iyong tracking device na nakita ko ay may itinira akong isa saka ko pinag eksperimentuhan din iyon. Bukod doon, may ginagawa rin akong sariling gamot na balang araw ay magagamit ko rin.

"Ano bang pakialam mo?" aniko na blankong tingin.

"May pakialam ako, hindi tulad mo na parang walang pakialam sa mundo"

"Hindi mo na responsibilidad na pakialam pa ang kung ano mang desisyon ko" seryoso kong saad, mukhang ganon din siya.

"Bakit kase pinapahirapan mo pa ang sarili mo" rinig ko pa ring pagbulong niya.

"Ano naman sa'yo? Hindi ba dapat matuwa ka pa na nahihirapan na ako?" sinusubukan kong halukatin ang usapang ito, may gusto akong alamin kung bakit siya nandidito kung walang sulat.

Natahimik siya, tinitigan ako muli. Iyon na naman ang titig niya na parang may gustong sabihin.

"I hate you" wika niya.

"I know"

Nagtiim ang bagang niya at halos walang kurap akong tignan. Unti-unting nagsalubong ang kilay niya.

"Traydor ka... kung hindi ka sana dumating sa buhay namin, hindi sana ako mawawalan ng itinuring ko na ring kapatid" kita ko ang galit sa kaniyang mga mata habang sinasabi iyon, tinutukoy si Lito.

Matunog akong napangisi sa kawalan "Hindi ko siya pinatay———"

"Alam ko!" tumaas na ang boses niya.

I'm brOKenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon